• December 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

HEART, inamin na maraming beses na nilang pinag-usapan ni CHIZ at siya ang madedesisyon kung makikipagtrabaho kay JERICHO

NAPAG-UUSAPAN din pala ng mag-asawang Governor Chiz Escudero at Heart Evangelista ang mga posibilidad tulad na lang kung muling makikipag-trabaho o makikipag-tambal si Heart sa ex-boyfriends niya.

 

 

Tinanong ni Karen Davila sa kanyang YouTube vlog kung halimbawa raw at may pelikula, ang magiging partner ni Heart ay si Jericho Rosales, papayag daw ba si Chiz.

 

 

     “Pinag-usapan na ba natin ‘yan?,” tanong ni Chiz kay Heart na ibinuko naman ng huli ang Mister na, “Many times.”

 

 

Sinagot naman daw ito ni Chiz na, “It’s up to you.”

 

 

Meaning, si Heart ang bahalang mag-desisyon kung sakali na papayag nga itong muling makipag-trabaho kay Jericho.

 

 

Sabi pa ni Chiz, “It’s up to her. If it will help her. If it will make her grow. For me again, hindi ako selosong tao.”

 

 

Kinumpirma naman ni Heart na hindi nga raw seloso ang Mister, instead, “N.R.” daw ito, ‘No reaction.’  Pero sey niya rin, “sensitive.”

 

 

     “Pero lately, sensitive,” sabi ni Heart.

 

 

Paglilinaw naman ni Chiz, “it has nothing to do with my level of confidence, it’s more on my level of being secure.”

 

 

Sina Jericho at misis na si Kim Jones kaya, napag-uusapan din nila kung okay sa mga ito sakali at magsama muli sa isang project sina Heart at Echo?

 

 

***

 

 

ANG bible verse na Psalms 127: 1 ang unang Instagram stories na pinost ni LJ Reyes pagkatapos niyang kumpirmahin ang naging hiwalayan nila ng partner na si Paolo Contis.

 

 

Sinabi naman ni LJ sa kanyang interview na kay Lord siya kumakapit at mukhang nagbibigay talaga ng lakas sa kanya.

 

 

Inspiring naman ang pinost niya na para rito, naniniwala siyang si Lord ang magre-restore at magbi-build ng bahay, pamilya, carrer at bawat aspeto ng buhay niya.

 

 

Naniniwala naman ang mga malalapit na kaibigan ni LJ na “very strong” ito at ‘yun daw talaga ang isa sa magandang katangian ng kaibigan.

 

 

Nasa New York pa rin si LJ at ‘di malayong magtagal ito rito.

 

 

***

 

 

PANGALAN na rin ng bagyo ang name ni Jolina Magdangal.

 

 

May tropical depression ngayon sa bansa na ang pangalan ay Jolina.

 

 

At ipinost ito ni Jolina sa kanyang Instagram at sabi niya, “Kung ako ang masusunod, gusto ko umulan ng butterflies. Stay safe everyone.”

 

 

Gusto raw talaga niyang umulan ng butterflies, pero may netizen na nag-comment dito na nakatatakot daw umulan ng butterflies at baka mabulag daw ang Pinoy.

 

 

Nagsipag-react at comment naman sa post nila ang ilang Kapamilya stars at kaibigan niya. Sana raw katulad ni Jolina, maging mahinahon lang din ang bagyo.

 

 

Sabi ni Karla Estrada, “Omgeee sana mahinahon lang yan tulad mo!” Na sinagot naman ni Jolina na, “sana nga hindi maging disastrous para di matanggal sa listahan haha!”

 

 

Pati si Vice Ganda ay nag-comment sa post ni Jolina na, “Sana cute din ang ulan! Hahaha!”

 

 

So, hindi na lang kapag papasok ang July month nako-coined ang name ni Jolina, hindi na lang din kapag ang isang batang lalaki ay tuli na, pati na rin sa bagyo na mukhang nae-enjoy naman ni Jolens na gamit ang name niya.

 

 

***

 

 

SIMULA sa September 11, sanib-pwersa ang GMA-7 at ang Regal Entertainment sa Regal Studio Presents 

 

 

Feeling namin binubuhay ng Regal ‘yung noong 80’s na mga Regal Studio na sa totoo lang, isa sa inaabangan namin palagi sa telebisyon noon.

 

 

Sabi nga sa collaboration nila ngayon, “Regal Feels na, Tatak Kapuso pa!”  Dito rin unang mapapanood ang tambalan nina Ken Chan at Sanya Lopez sa initial offering nila na “That Thin Line Between”.

 

 

Followed by Allen Ansay at Sofia Pablo sa “Raya Sirena” sa September 18 at “One Million Comments…. Magjo-jowa Na Ako!” ng real-life sweethearts na sina Khalil Ramos at Gabbi Garcia sa September 26.

(ROSE GARCIA)

Other News
  • Hindi paplanuhin kung kakandidato: VICE GANDA, patuloy na nililigawan na pasukin ang pulitika

    ISA si Vice Ganda sa mga nililigawan ng mga political parties para tumakbo sa darating na mid term elections.   Pero wala ni isang pinagbigyan ang main host ng “It’s Showtime”. Sa isang interview kay Vice ay nabanggit ni Vice na kung kakandidato siya ay hindi niya ito paplanuhin.   “Parang hindi ko siya mapaghahandaan. […]

  • Dimaculungan tawid sa PLDT

    PINALAKAS ni multi-titled volleybelle Rhea Katrina Dimaculangan ang PLDT Home Fibr sa pagtawid dito makaraan ang ilang taong paglalaro sa Generika Ayala Lifesavers at Petron Blaze Spikers sa Philippine SuperLiga (PSL).     Isiniwalat kamakalawa ng Power Hitter ang bagong puwersa na magpapasiklab sa koponan na gagabayan pa rin ni coach Rogelio ‘Roger’ Gorayeb kasunod […]

  • Ilongga scientist na nakatuklas ng gamot sa diabetes, nasa ‘Young Shapers of the Future’ ng Britannica

    NAPABILANG sa listahan ng Young Shapers of the Future 2022 ng Britannica ang isang Ilongga scientist na nakatuklas ng gamot sa diabetes gamit ang prutas na aratiles.     Sa panayam  kay Maria Isabel Layson, 18-anyos na kumukuha ng kursong BS Chemistry sa University of the Philippines-Visayas, sinabi nito na labis ang kanyang kagalakan na […]