HEART, magtatagal sa Los Angeles para sa isang secret project at art project nila ni BRANDON BOYD
- Published on October 30, 2021
- by @peoplesbalita
KASALUKUYANG nagla-lock-in taping ngayon si Heart Evangelista para sa GMA primetime series niyang I Left My Heart in Sorsorgon.
Puro Manila scenes na raw ang kinukuhanan nila kaya sabi ni Heart, matatagalan daw siguro baka siya makabalik muli ng Sorsogon.
Sa Instagram Live ni Heart, nabanggit niya na after pala ng taping, lilipad na naman siya papuntang Los Angeles, U.S.A. pero this time raw, magtatagal siya.
“I’ll gonna leave for L.A. trip and I’ll gonna be there for a long time. Matatagalan before I can go back to Sorsogon. In fact, I wanted to go to the opening of the Capitol, but I’m here na sa in Manila sa lock-in taping.”
Tinanong tuloy namin ito kung ano ang gagawin niya sa L.A. at dahil malapit na ang Pasko, posible rin kaya na do’n na siya magki-Christmas.
And true enough, mukhang do’n na nga raw siya mag-i-spend ng Christmas.
At sa gagawin niya sa L.A. kung bakit siya magtatagal, sikreto pa raw, “It’s actually a secret project. And also, I’ll be there for the art project with Incubus’ Brandon Boyd.”
***
ANG mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera ay naka-Halloween break din.
Makikita sa mga Instagram stories nina Dingdong at Marian na katulad ng pamilya nina Vic Sotto at Pauleen Luna, sina Dingdong at Marian, kasama ang mga anak na sina Zia at Sixto ay naka-bakasyon din ngayon,
Hindi pino-post nina Dingdong at Marian kung nasaan sila pero may nakapagsabi sa amin na tulad nga nina Bossing at Pauleen, nasa Amanpulo rin ang mga ito.
Tawang-tawa raw si Marian na ipinost pa sa IG stories niya ang baby lechon na nang makita ng anak na si Sixto ay naawa.
Sabi raw ni Sixto, “Mama wawa peppa pig!” Sabi ni Marian, “Hahahaha tawang-tawa ako sa ‘yo, anak!”
Ang peppa pig ay ang pabiritong cartoon mga batang edad nga ni Sixto.
Sa isang banda, kilala ang DongYan na palaging may bonggang Halloween costume, so far, mula nang ipanganak si Sixto ay ‘di pa sila nakakapag-family costume.
Tiyak na marami ang nag-aabang kung kahit ba nasa mala-paraisiong Amanpulo sila ngayon ay gagawin nila ang nakagisnang tradisyon.
(ROSE GARCIA)
-
Ads September 7, 2023
-
Posibleng ma-damage ang heart at lungs ‘pag ‘di maagapan… KRIS, mas lumala pa at life threatening ang illness niya
SA recent Instagram post ni Queen of All Media Kris Aquino kinumpirma nito na mas malala at life threatening ang illness niya. Base ito sa naging resulta ng mga medical test niya sa Amerika, kaya nabahala ang kanyang mga doktor dahil posibleng ma-damage ang heart at lungs niya. Panimula ni Kris […]
-
Tiger Woods matagal na hindi makakapaglaro dahil sa injury
Tiger Woods matagal na hindi makakapaglaro dahil sa injury IBINUNYAG ni American golf player na si Tiger Woods na sumailalim ito sa operasyon para ayusin ang kaniyang napunit na kaliwang Achilles tendon. Sinabi nito na isinagawa ang medical operations ni Dr. Charlton Stucken ng Hospital for Special Surgery sa West Palm Beach, Florida. Dahil dito ay […]