HEART, posibleng may photoshoot sa Vogue at muling makikita sa Times Square
- Published on August 16, 2021
- by @peoplesbalita
HINIHINTAY na ng mga viewers ng GMA romantic-drama series na The World Between Us nina Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith at Tom Rodriguez, ang changes sa mga characters, especially si Louie Asuncion (Alden).
Nang magsimula kasi ang story nila sa bagong chapter sa buhay nilang tatlo, sina Lia Libradilla (Jasmine) at Brian Libradilla (Tom) na galing ng USA, kasama ang ina nilang si Rachel Libradilla (Dina Bonnevie), na doon sila nagtapos ng college, nakita na ang changes sa kanilang looks.
Pero si Louie na college graduate na rin at working as the project manager na ng Prime Mobile na pag-aari ni Rachel, ay hindi pa rin nagbago ang looks, kaya iyon ang request ng mga viewers, ang bago raw look naman ni Alden, new wardrobe at new hairstyle.
Hinihintay na rin nila kung magbabago na ang character ni Louie, ngayong pumasok sa pagitan nila ni Lia, si Eric (Sid Lucero). Matatandaan na sa first part ng story ay pawang pasakit ang pinagdaanan ng ulilang si Louie sa kamay ng mga Libradilla.
Directed by Dominic Zapata, napapanood ang The World Between Us gabi-gabi sa GMA-7, after ng 24 Oras.
***
PANSAMANTALANG iniwan ni Kapuso actress Heart Evangelista ang taping ng I Left My Heart In Sorsogon for GMA Network.
Pero hindi niya sinabi kung ano ang reason bakit siya nagpunta sa New York. Instagram post lamang niya ang ilang photos na kasama niya ang mga friends niyang sina Katrina Cruz at Mark Bumgarner nang magkaroon siya ng chance to visit her friends from the fashion magazine Vogue, editor Chioma Nnadi and Vogue contributor Ian Malone.
“Well spent afternoon with my @voguemagazine family”, lamang ang caption ni Heart.
In 2019, kasama si Heart sa “Vogue 100” na list of people in the fashion world who have all excelled in their fields. Marami namang nagsasabing mga netizens na maaaring magkaroon ng bagong pictorial si Heart para sa Vogue, kaya wait na lamang sila kung tama sila at malamang muling makita sa Times Square sa New York kung anuman ang ginawa niya roon.
***
STILL on I Left My Heart In Sorsogon, na tuluy-tuloy ang lock-in taping ng ibang members ng cast sa Sorsogon, sina Richard Yap, Paolo Contis, Kyline Alcantara, at Mavy Legaspi.
At sa mga pictorials na lumalabas, lalo na iyong behind the scenes, kapuna-puna sa mga fans nina Kyline at Mavy ang pagiging close nila sa isa’t isa.
Kaya naman hindi maiwasan ng actress na ina ng Legaspi twins na sina Mavy at Cassy, si Carmina Villarroel, na magtanong. Wala naman daw, dahil 20 years old na ang kambal at kilala naman niya si Kyline, na nakasama niya sa Kambal, Karibal at masaya siyang makitang magkasundo ang dalawa sa trabaho.
Pero ang kinikilig daw ay si Cassy sa closeness ng kapatid at ni Kyline, dahil matagal na rin nilang nakakasama si Kyline, sa Studio 7 pa sa GMA at ngayon sa All-Out Sundays, kaya close na rin siya sa young actress at kilala na niya ito.
Biro pa ni Cassy, hintayin na raw lamang kung kailan sila magsasalita.
(NORA V. CALDERON)
-
United Clark, umaayaw sa Philippines Football League
Umatras ang United Clark na sumali sa second half ng Philippines Football League (PFL) season. Sinabi ng club noong Huwebes na kailangan nitong bawiin ang pakikilahok nito habang nasa isang ligal na labanan sa isang grupo ng pamumuhunan sa Singapore dahil sa hindi nabayarang mga bayarin, na nakaapekto sa mga operasyon nito. “Gustong […]
-
Jersey ni Jordan nabili sa auction ng $1.38-M
Naibenta sa $1.38 milyon sa isang auction ang jersey na isinuot ni NBA legend Michael Jordan. Ayon sa Heritage Auction nabili ang jersey na suot ng dating Chicago Bulls star noong 1982-83 season ng University of North Carolina. Isinuot din ito ni Jordan ang number 23 Tar Heels jersey noong maging […]
-
Dept. of Energy muling iginiit na paiigtingin ang implementasyon ng LPG Law
MULING iginiit ng Department of Energy (DOE) na kanilang paiigtingin ang pagpapatupad sa LPG Industry Regulation Act o ang Republic Act No. 11592. Nangako naman si Energy Secretary Raphael Lotilla na suportado ng Department of Energy (DOE) na mapatupad ang LPG Law. Ginawa ng kalihim ang pangako sa pulong kasama ang mga miyembro ng liquefied petroleum gas (LPG) industry kabilang […]