HEART, three years old palang mahilig na sa high heels at namakyaw ng branded shoes nang mag-sale si RUFA MAE
- Published on September 28, 2021
- by @peoplesbalita
THREE years old pa lamang pala si Kapuso actress Heart Evangelista ay hilig na niyang magsuot ng high heels.
Ikinuwento ito ni Heart sa kanyang vlog na ipinakita niya ang collections niya ng mga high heel shoes. Three years old daw siya nang isuot niya ang high heels ng mommy niya at bumaba siya ng hagdanan nila, nadulas siya at nasugatan sa malapit sa right eye niya at halata hanggang sa ngayon ang pilat na iyon.
Hindi nakapigil kay Heart ang nangyari para hindi siya magsuot ng high heels, lalo na nang maging teen-ager na siya at hanggang 5’2” lamang ang height niya.
Para nga magmukha siyang mataas, naging hobby na niya ang bumili ng mga branded na high heel shoes na sa vlog niya ay kabisado niya kung kailan at saan niya binili iyon, usually kapag nagta-travel siya abroad, kasama raw sa budget niya ang pagbili niya ng high heel shoes.
Kahit daw noong nagdi-date na sila ng husband niyang si now Sorsogon Governor Chiz Escudero, kasama rito ang pagsa-shopping niya ng mga bagong labas na branded shoes.
At nang magkaroon ng sale ang actress na si Rufa Mae Quinto ng mga branded shoes nito, halos lahat ng size 7 shoes nito ay binili niya at a very low prices, may dagdag pang ibang items.
Tiyak na mapapanood natin ang mga collection of shoes ni Heart sa sinu-shoot niyang GMA’s I Left My Heart In Sorsogon, na gaganap niyang isang fashion model.
***
MARAMI nang nagtatanong noon kung ano ang real score sa pagsasama ng Kapuso couple na sina Max Collins at Pancho Magno.
May rumor kasing nagkakalabuan ang pagsasama nila, kaya hindi na sila nagpu-post sa kani-kanilang social media tulad nang dati, na magkasama sila at ng anak nilang si Skye. Kahit nang mag-celebrate si Skye ng first birthday nito, hiwalay ang celebration nilang mag-asawa, kaya medyo nagkaroon ito ng controversies.
Pero ipinahayag ni Max sa zoom mediacon ng upcoming GMA Primetime teleserye nilang To Have And To Hold, na maayos ang pagsasama nila ng husband niya, hinahayaan daw siya ni Pancho na i-prioritize ang kanyang showbiz career. Kaya raw sa social media tahimik lamang sila dahil they have their own branding bilang artista. Kaya very thankful siya to have a husband who supports her and who understands her.
“So okay lang naman if people wants to talk about us,” sabi pa ni Max.
“Kami lang talaga yung nakakaalam how our lives are and how we are as parents to Skye. We filter what we show other people, because we like to keep our lives private.”
Kagabi nag-world premiere ang To Have And To Hold nina Max, Rocco Nacino at Carla Abellana pagkatapos ng Legal Wives sa GMA-7.
***
LAST Friday, September 24, nagkaroon ng week-end lovely beach trip ang Kapuso Royal Couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera, kasama ang mga anak na sina Zia at Ziggy.
Kita sa Instagram posts ng mag-asawa ang mga snapshots ng memorable getaway nila na hindi na binanggit kung saan sila nagpunta.
In-enjoy nila ang magandang sikat ng araw, and Dingdong shared a heartwarming photos of his family having fun on the beach, like ‘yung kasama ni Marian si Ziggy at si Zia na naglalaro sa buhangin.
(NORA V. CALDERON)
-
“Smile 2” Delivers Bolder, Nastier, and Bloodier than its predecessor
PREPARE for ‘Smile 2’, the bold and bloody sequel to the hit psychological horror Smile. Directed by Parker Finn and starring Naomi Scott, the film hits Philippine cinemas on October 16. Writer, director, and producer Parker Finn is back with a vengeance in Smile 2, the highly anticipated sequel to the psychological horror hit […]
-
Pinoy billiard player Carlo Biado, kampeyon sa 2021 US Open Pool Championships
Matapos inalat sa mga unang magkakasunod na racks, hindi pa rin sumuko ang Pinoy billiard player na si Carlo Biado para magkampeyon sa 2021 US Open Pool Championships. Tinalo ni Biado ang Singaporean professional pool player na si Aloysius Yapp sa score na 13-8. Nakuha pa ni Biado ang 3-1 early […]
-
Magaan na virus restrictions, inirekomenda ng MM mayors
INIREKOMENDA ng mga Metro Manila mayors ang pagpapagaan ng virus restrictions sa capital region. Ang rekumendasyon ng mga MM mayors ay isang araw bago mapaso ang modified enhanced community quarantine. Nagkaisa ang mga local chief executives sa MM capital na manawagan kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na isailalim na sa strict general community quarantine ang […]