HELPER UTAS SA SKELETAL TRAILER
- Published on December 11, 2020
- by @peoplesbalita
TODAS ang isang 27-anyos na helper matapos maipit sa pagitan ng isang skeletal trailer at motor pool steel post makaraan ang naganap na freak accident sa loob ng NCT container yard sa Caloocan city.
Binawian ng buhay si Darwin Naguit, ng Kamagong Street, Brgy. Sta Clara, Sta. Maria Bulacan sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan habang ginagamot sa Mercy institution ng kompanya matapos isugod ng kanyang mga ka-trabaho.
Sa imbestigasyon ni P/Cpl. Joemar Panigbatan, minamaneho ni Juezan Rosales, 47 ang tractor head na may trailer sa loob ng NCT container yard sa Dagat-dagatan Avenue Extension, Brgy. 28 alas-3:45 ng madaling araw upang kargahan ng container nang aksidenteng tumama ang kaliwang bahagi ng container lock nito sa harap at gilid na bahagi ng skeletal trailer na nakaparada.
Sa lakas ng impact, tumakbo pasulong ang skeletal trailer at nabangga ang biktima na sa mga oras na iyon ay naglalakad sa harap ng nakaparadang trailer hanggang sa makaladkad si Naguit bago tumama sa steel post.
Ani Caloocan police chief P/Col. Samuel Mina, si Rosales ay iprinisinta sa inquest proceedings sa Caloocan City Prosecutor’s Office sa kasong reckless imprudence resulting in homicide. (Richard Mesa)
-
Wonka’ Emerges as Christmas Winner, Crosses $100M in U.S. as ‘Aquaman 2’ Drowns
Timothée Chalamet’s Wonka has emerged as this year’s Christmas box office winner, while DC superhero pic Aquaman and the Lost Kingdom drowns. Overall, this holiday season isn’t so joyous for Hollywood studios and theater owners. Case in point: Wednesday revenue was down 52 percent from the same Wednesday in 2019, the last year […]
-
Speaker Romualdez, DSWD, lokal na opisyal namahagi ng P140-M cash aid sa 30K Davaoeños
NAGKAKAHALAGA ng P139.81 milyon ang cash assistance na naipamahagi sa 29,906 benepisyaryo sa Davao City, Davao de Oro at Davao del Norte sa apat na araw na payout ng Ayuda Para sa Kapos ang Kita Program (AKAP), isang flagship welfare program ni Pangulong Bongbong Marcos. Ang pamimigay ng ayuda ay pinangunahan ni Speaker […]
-
Isiniwalat din ang mga pinagdaanan sa buhay: KARLA, inamin kay KORINA na masaya sa partner na gustong makasama sa pagtanda
SA latest episode ng ‘Korina Interviews’ ng NET25 na napanood kahapon (Dec. 11), may inamin si Karla Estrada kay Korina Sanchez-Roxas. “Masayang-masaya ang puso ko, ang tagal mo namang magtanong, ” natatawang tugon ni Queen Mother kay Ate Koring dahil in love na in love siya sa kanyang partner. “Oo, hindi ako napapagod […]