HEPE NG NBI-ANTI TERRORISM DIVISION, NAG-SUICIDE
- Published on December 10, 2020
- by @peoplesbalita
LALONG tumibay ang anggulong suicide ang pagkamatay ng hepe ng NBI-Anti Terrorism Division makaraang kumpirmahin ng kanyang misis na matinding depresyon ang sinasabing nagtulak para wakasan ang kanyang buhay.
Ayon kay Atty. Maria Rosario Bernardo,may pinagdadaanang colon cancer si Raoul Manguerra sa edad na 49.
Napag-alaman na kamakailan lamang ay namatay din ang ama ni Manguerra dahil din sa colon cancer at nang magpatingin din ito sa doktor ay natuklasang kaparehong sakit ang kanyang pinagdaraanan.
Dahil dito, na-depress umano si Manguerra na naging dahilan para tapusin ang kanyang buhay sa loob mismo ng kanyang opisina sa NBI building .
Matatandaang dakong alas-11:00 kamakalawa ng gabi ( Dec 8) nang matagpuang duguan sa loob ng kanyang opisina si Manguerra,49.
Isinugod pa si Manguerra sa Manila Doctors Hospital ngunit binawian din ito ng buhay mula sa isang tama ng baril ng kalibre 45 sa tiyan.
Dahil sa pagpanaw ng nasabing opisyal, nagluluksa ngayon ang tanggapan ng NBI-CTD kung saan naka-half mast ngayong Martes ang Philippine flag sa tanggapan ng ahensya sa UN Avenue sa Maynila.
Naka-cordon na rin ang opisina ng NBI-CTD habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga tauhan ng ahensiya sa insidente. (GENE ADSUARA)
-
Lakers pasok na sa NBA playoffs matapos isalba sa 3-pts ni LeBron
Binitbit ni NBA superstar LeBron James ang Los Angeles Lakers upang makausad sa No. 7 spot sa playoffs sa Western Conference makaraang itumba ang Golden State Warriors. Swerteng naipasok ni James ang three point shot may 58.2 second na lamang ang nalalabi sa 4th quarter na siyang naging susi sa kanilang tatlong puntos […]
-
Hidilyn Diaz tanggap na walang manonood na kaibigan at kaanak sa Tokyo Olympics
Handang sumabak sa Tokyo Olympics si Filipina weight lifter Hidilyn Diaz kahit na walang manonood na mga kaibigan at kaanak. Kasunod ito ng naging desisyon ng Olympic organizers na bawal muna manood ang personal ang mga nasa ibang bansa dahil sa banta pa rin ng COVID-19. Sinabi ni Diaz na nalungkot […]
-
Miss Universe 2018 Catriona Gray, tuluy-tuloy ang pagsama sa mga relief operations ng Philippine Red Cross
Five months na last December 6 ang baby boy nila Max Collins at Pancho Magno na si Skye Anakin. Sa video post ni Pancho sa Instagram, pinakita niya ba marunong nang mag-smile si Skye tuwing kinakausap nila ito. “Hi Everyone! I’m 5 months old today,” simpleng caption ni Pancho sa video. Si […]