HERD IMMUNITY, MAAABOT HANGGANG SEPTEMBER
- Published on May 20, 2021
- by @peoplesbalita
KUMPIYANSA si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na sa September ay maaabot na ang “herd immunity” sa Maynila.
Ito ang pahayag ng alkalde ay pagkatapos makapagtala ng bagong record ang Manila LGUs hinggil sa pagbabakuna sa loob lamang ng isang araw.
“We broke again our record of vaccines deployed and 95% of thet is the first dose”, pahayag ni Domagoso.
“The point is ang mga LGU gamitin lang nang husto ng national government, tingin ko ma-achieve natin ang ating goal by September na magkaroon ng herd immunity, ma-reach ang 70% vaccinated,”
Sa pinakahuling datos ng Manila health Department (MHD) nitong Mayo 18 ay nasa 16,261 indibidwal kung saan nalagpasan ang nauanng record na may kabuuang bilang na 15,763 nitong Mayo 17.
Muli namang nabanggit ng alkalde ang nauna na niyang sinabi na “super slow” ang deployment ng mga COVID-19 vaccines sa mga local government units o LGUs.
Aniya, nagbigay lamang siya ng “honest opinion”.
Ayon pa kay Domagoso, naiintindihan aniya nito na mahirap makakuha ng mga bakuna kontra COVID-19 dahil sa taas ng demand nito sa buong mundo ngunit kapag dumating na sa bansa ang bakuna ay dapat aniyang hindi na ito rumagal pa ng sampung araw o linggo sa storage facility.
“Maiintindihan ko pa yung a day or two kaya kailangan lagi mabilis yung deployment” dagdag pa ng alkalde.
Sinabi pa ni Domagoso na hindi naman ito nagrereklamo pero minsan kailangan ipunto ang opinion o saloobin.
“Kasi kung talagang ang goal din natin magkaroon ng consumer confidence para mabuksan ang ekonomiya buksan na natin ‘yung A4 category,” diin ni Domagoso. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)