‘Herd immunity’ sa Pasko sa NCR Plus 8, posible
- Published on June 29, 2021
- by @peoplesbalita
Posible pa rin na maabot ang ‘herd immunity’ sa National Capital Region (NCR) at walo pang lugar sa bansa laban sa COVID-19 sa pagsapit ng Pasko kung matitiyak ng pamahalaan na hindi kakalat sa Pilipinas ang Delta variant na nagmula sa India.
Sinabi ni Fr. Nicanor Austriaco, miyembro ng OCTA, na tiwala siya na makakamit ang herd immunity sa NCR Plus 8 kahit na nasa 2.25 milyon o 3.87% ng populasyon pa lamang ang fully vaccinated nitong Hunyo 22. Nabatid rin na nasa 8.9 milyong doses na ng bakuna ang naipamahagi ng pamahalaan.
“Given the numbers, our hope that we will reach herd immunity in NCR Plus 8 by Christmas is reasonable. This does not take into effect the Delta variant,” saad ni Austriaco.
Sa kasalukuyan, may 17 kaso ng Delta variant pa lamang ang naiuulat sa bansa na ikinasawi ng isang pasyente.
Una na ring inihayag ng Department of Health (DOH) na target nilang mabakunahan ang 108,000 indibidwal kada araw sa Metro Manila, Batangas, Bulacan, Cavite, Laguna, Pampanga, Rizal, Metro Cebu at Metro Davao na maaaring maisagawa dahil sa pagdatingan ng mas maraming bakuna ngayon.
Ngunit hindi rin dapat pakasigurado ang pamahalaan sa posibleng surges ng Delta variant na dahilan ng surges sa India at ngayon ay sa ilang bansa sa Africa.
“Over the past year and a half, we have a surge when there’s a new variant. It’s now coming down after the arrival of Alpha and Gamma variants. Now we have to protect ourselves against Delta,” paalala ni Austriaco. (Gene Adsuara)
-
JINGGOY, ipinasilip ang puntod na pinagawa ni ERAP
IPINASILIP na ni former Senator Jinggoy Estrada sa kauna-unahang pagkakataon ang puntod na pinagawa mismo ng kanyang ama na si dating Pangulong Joseph “Erap” Ejercito Estrada, sa Tanay, Rizal. Isa ito sa mga dapat abangan sa bagong episode ng YouTube channel ni Jinggoy na Jingflix.ph kung bakit nga ba nagpagawa ng kanyang puntod si […]
-
Wala sa charter ng MMDA na mag-conduct ng isang film festival: VIVIAN, may panawagan na ibigay ang pamamahala ng Metro Manila Film Festival sa FDCP
FAST worker talaga si direk si Louie Ignacio. He just finished shooting the movie titled Influencer mula sa 3:16 Productions ni Madam Len Carillo. Bida sa pelikula ang tinaguriang Pandemic Superstar na si Sean De Guzman. Leading lady naman niya si Cleo Barretto. Ang script ay isinulat ni Quinn […]
-
Libreng sakay ng MRT-3 malaking ginhawa para sa mga APORs
Menos gastos at maginhawang biyahe ang dulot ng libreng sakay ng MRT-3 para sa mga bakunadong Authorized Persons Outside Residence (APORs), sa nagpapatuloy ng nasabing programa ngayong nasa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang NCR. Ayon sa mga bakunadong APORs, malaki ang naititipid nila sa libreng pamasahe araw-araw at magmula noong August 21. […]