• June 22, 2025

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hidilyn Diaz-Naranjo gagawa ng ingay sa World Championships

PILIT na idadagdag ni 2020+1 Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz-Naranjo ang isa pang kasaysayan sa asam na mailap na medalya sa pagbabalik nito sa aktibong kompetisyon sa pagsabak sa 2022 International Weightlifting Federation World Championships sa Bogota, Columbia.

 

Naunang dumating ang Filipino Olympic champion sa Bogota, Colombia kasama ang asawa at coach na si Julius Naranjo isang linggo bago ganapin ang laban nito Miyerkoles sa women’s 55 kilograms na siyang weight class na pinamunuan ni Diaz-Naranjo sa 2021 Tokyo Olympics na dinagdagan nito ng mga bagong record.

 

“Medyo magiging mahirap na muling maging kwalipikado sa Paris. But again, I will do my best. Excited ako’’ sabi ni Diaz-Naranjo, na tinitingnan ang torneo bilang springboard para sa 2024 Olympics na naka-iskedyul sa Paris, France.

 

Ang pinakaunang gold medalist ng bansa sa Olympics ay dumalo sa isang star-studded training camp sa Suwanee, Georgia, kasama ang kapwa kampeon na si Maude Charron ng Canada (Olympic 64 kgs gold medalist) bago tuluyang magtungo sa Colombia.

 

“It was a once-in-a-lifetime opportunity to train with weightlifting Olympians from three countries. Thank you for giving me the best training environment before the world championship. I was able to see the passion, dedication, determination and hard work in training,’’ sabi pa ni Hidilyn. (CARD)