Hidilyn Diaz tanggap na walang manonood na kaibigan at kaanak sa Tokyo Olympics
- Published on March 25, 2021
- by @peoplesbalita
Handang sumabak sa Tokyo Olympics si Filipina weight lifter Hidilyn Diaz kahit na walang manonood na mga kaibigan at kaanak.
Kasunod ito ng naging desisyon ng Olympic organizers na bawal muna manood ang personal ang mga nasa ibang bansa dahil sa banta pa rin ng COVID-19.
Sinabi ni Diaz na nalungkot siya sa desisyon ng organizers pero naiintindihan niya ito.
Marami aniya itong mga kaibigan na nais manood ng makasaysayang kabanata sa kaniyang buhay.
Target ngayon ni Diaz na ma-improve niya ang kaniyang performance noong Rio Olympics kung saan nakakuha ito ng silver medal.
Maisasapormal naman na nito ang pagsali sa Tokyo Olympics sa nakatakdang pagsabak nito sa Asian Weightlifting Championsip sa Tashkent, Uzbekistan sa darating na Abril 16 hangang 25.
-
SANYA, balitang papalitan na ni ANDREA bilang leading lady ni BONG; book two ng ‘First Yaya’ hinahanda na
NAPANSIN ba ninyo ang isang guy in blue na tumakbong lumapit at mahigpit na yumakap sa first Olympic Gold Medalist ng bansa na si Hidilyn Diaz? Walang iba kundi ang kanyang boyfriend of three years at strength and conditioning coach na si Julius Irvin Naranjo, a Filipino-Japanese weightlifter at the Asian Indoor and […]
-
Exciting match up ng magkapatid na Ravena sa Japan B.League usap-usapan pa rin
Hanggang ngayon trending pa rin sa mga Pinoy basketball fans ang makapigil hininga na matchups ng magkapatid na Keifer at Thirdy Ravena sa pagsisimula ng B.League sa Japan. Kung maalala parehas na may tig-isang panalo na ang San-En NeoPhoenix ni Thirday at Shiga Lakestars ni Keifer sa magkasunod na banggaan ng dalawang teams. […]
-
Ads November 18, 2020