• March 27, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hidilyn maagang magtutungo sa Tashkent para sa Olympic qualifying

Mas gusto ni national lady weightlifter Hidilyn Diaz na maagang makapunta sa Tashkent, Uzbekistan para sa Asian Weightlif­ting Championships kesa mahawa ng coronavirus disease (COVID-19) sa Kuala Lumpur, Malaysia.

 

 

“Mahirap na baka mahawa ka sa iba,” sabi ng 2016 Rio de Janeiro silver  medalist sa panayam sa So She Did!” podcast. “So mas okay ‘yung nandoon ka, at prepared ka. Mas okay na prepared ka talaga.”

 

 

Ang paglahok na lamang sa nasabing quali­fying tournament ang kailangan ni Diaz para pormal na sikwatin ang tiket sa 2021 Olympic Games na gagawin sa Tokyo, Japan sa Hul­yo 23 hanggang Agosto 8.

 

 

Base sa Olympic qualifying ratings process ng (International Weightlifting Federation) IWF, dapat sumabak ang mga Olympic hopefuls sa anim na IWF-sanctioned competitions para makakuha ng silya sa quadrennial event.

 

 

Hangad ng 2019 Southeast Asian Games gold medalist ang kanyang ikaapat na sunod na Olympics appearance.

 

 

Naniniwala ang 30-an­yos na si Diaz na makakasama niya sa kampanya sa 2021 Tokyo Olympics sina pole vaulter Ernest John Obiena, gymnast Carlo Edriel Yulo at boxers Eumir Felix Marcial, Irish Magno, Nesthy Petecio at Carlo Paalam.

Other News
  • BIANCA, kinasal na kay RALPH WINTLE at winelcome ni IZA sa kanilang pamilya

    KINASAL na ang aktres na si Bianca King kay Ralph Wintle.     Si Ralph Wintle ay kapatid ng mister ni Iza Calzado na si Ben Wintle.     Dahil may pandemic pa at kailangan sumunod sa safety protocols, naganap ang wedding nila Bianca at Ralph sa living room ng bahay ng newly weds sa […]

  • Grab driver isinelda sa pangmomolestiya sa dalagita

    REHAS na bakal ang kinasadlakan ng 25-anyos na Grab driver matapos ireklamo ng pangmomolestiya sa 17-anyos na dalagita sa Navotas City.     Sa ulat na natanggap ni Navotas police chief P/Col. Allan Umipig, dakong alas-3:30 ng madaling araw nang mangyari ang insidente ng kahalayan sa tirahan ng dinakip na suspek sa Ablola St. Brgy. […]

  • Cardinal Tagle, tuluyan nang gumaling sa COVID-19

    GUMALING na mula sa COVID-19 si Cardinal Luis Antonio Tagle.   Ayon kay Pontificio Collegio Filipino (PCF) Rector Fr. Gregory Gaston, ang paggaling ni Tagle mula sa coronavirus ay isang magandang balita sa buong simbahan. Nais aniya ng Diyos na ipagpatuloy ni Tagle ang kaniyang misyon sa simbahan.   Una rito, nagpositibo sa COVID-19 ang […]