• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hidilyn na-scam, natuto nang leksyon

Sinong mag-aakalang na-scam na si Tokyo Olympic Games gold medalist Hidilyn Diaz.

 

 

Sa isang press conference ay inamin ni Diaz na minsan na siyang nabiktima ng scammer matapos niyang makakuha ng cash incentives sa pagbuhat sa silver medal sa women’s weightlifting noong 2016 Olympics sa Rio de Janeiro, Brazil.

 

 

Umaasa ang 30-anyos na national weightlifter na maibabahagi niya sa iba pang atleta ang kanyang eksperyensa.

 

 

“I’m hoping na matuto tayo. Matuto tayo sa mga pagkakamali natin at pagkakamali ng mga kasama natin,” wika ng tubong Zamboanga City.

 

 

Milyun-milyon ang natanggap na cash incentives ni Diaz matapos kunin ang kauna-unahang gold medal ng Pinas sa nakaraang 2021 Tokyo Olympics.

 

 

Ngayon ay alam na ni Diaz ang kanyang gagawin sa mga natanggap na halos P56 milyong insentibo, mga house and lots, condominium units at kotse.

 

 

Ang pag-iipon ang unang payo ni Diaz sa mga kapwa niya national athletes.

 

 

“Para sa akin, mag-ipon tayo kasi hindi tayo forever na atleta. Suwerte na lang magtagal tayo,” ani Diaz. “Di ba may kasabihan na nasa huli ang pagsisisi, pero huwag tayong ganoon.”

 

 

Nakatakdang sumabak si Diaz sa 2021 International Weightlifting Federation (IWF) World Championships sa Disyembre sa Tashkent, Uzbekistan.

Other News
  • Ads October 7, 2023

  • DA, pinalalaanan ng mas malaking pondo ang agri projects sa LGUs

    HINIMOK ng Department of Agriculture ang Local Government Units (LGUs) na paglaanan ng mas malaking pondo ang agricultural projects para maabot ang food security ng bansa at mapabilis ang pagbangon mula epekto ng pandemya sa sektor ng pagsasaka.     Ayon kay Agriculture Assistant Secretary at Spokesperson Noel Reyes, mas mabuting mag invest ang LGU’s […]

  • 65.7 milyong Pinoy pipili na ng mga bagong lider

    NASA 65.7 milyong mga botanteng Pilipino ang inaasahang dadagsa ngayon sa iba’t ibang ‘polling precints’ ng Commission on Elections (Comelec) para pumili ng mga bagong lider ng bansa ngayong 2022 National at Local Elections.     Sinabi ni Comelec Chairman Saidamen Pa­ngarungan na “all systems go” na sila maging ang mga katuwang na ahensya ng […]