• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hidilyn natuto na ng leksyon sa paghawak ng cash incentives

Inamin ni Olympic Games gold medalist Hidilyn Diaz na hindi niya nahawakan nang tama ang mga natanggap na cash incentives matapos buhatin ang silver medal noong 2016 edition sa Rio de Janeiro, Brazil.

 

 

Halos P10 milyon ang natanggap na insentibo ni Diaz matapos kunin ang silver medal noong 2016 Olympics.

 

 

Sa kanyang pag-angkin sa kauna-unahang Olympic gold medal ng Pilipinas sa nakaraang Tokyo Games ay humigit-kumulang sa P50 milyong insentibo ang makukuha ng 30-anyos na national weightlifter.

 

 

Bukod pa rito ang isang kotse, isang van, isang condominium unit sa Eastwood City na nagkakahalaga ng P14 milyon, isang house and lot sa Tagaytay City at Zamboanga City at libreng gasolina at pamasahe sa eroplano.

 

 

“Second time ko na ito na nanalo sa Olympics. May mga wrong choices at wrong experience ako na nagawa,” ani Diaz. “Good thing, dami ko rin natutunan.”

 

 

Kumuha na ang tubong Zamboanga City ng ma­nager/financial adviser para pamahalaan ang kanyang pera at mga product endorsements.

 

 

Idinagdag pa ng 2018 Asian Games at 2019 SEA  Games gold medalist na ngayon pa lang ay iniisip na niya ang kanyang kinabukasan sakaling dumating ang oras na kailangan na niyang magretiro.

 

 

Kumuha na ang tubong Zamboanga City ng ma­nager/financial adviser para pamahalaan ang kanyang pera at mga product endorsements.

 

 

Idinagdag pa ng 2018 Asian Games at 2019 SEA  Games gold medalist na ngayon pa lang ay iniisip na niya ang kanyang kinabukasan sakaling dumating ang oras na kailangan na niyang magretiro.

Other News
  • “Harold and the Purple Crayon” Comes to Life in a New Fantasy Comedy Film

    EXPERIENCE the magic of imagination as “Harold and the Purple Crayon” comes to life in a new fantasy comedy film starring Zachary Levi.       Discover a world of adventure when it opens in Philippine cinemas on August 21.       Countless families have cherished Crockett Johnson’s Harold and the Purple Crayon since […]

  • “NO HARD FEELINGS”, STARRING JENNIFER LAWRENCE, MARKS THE RETURN OF RAUNCHY COMEDIES

    ONE night during dinner, Jennifer Lawrence asked her friend, writer-director Gene Stupnitsky what he was currently working on.      Stupnitsky, a former co-head writer for The Office and writer/director of the hit comedy Good Boys, shared his inspiration: a real-life Craigslist post that producers Marc Provissiero and Naomi Odenkirk had found.     And […]

  • PBBM iaangat ang ugnayan ng Pinas sa China

    NANGAKO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ilalagay niya sa mas mataas na antas ang relasyon ng Pilipinas at China sa kanyang 3-day trip sa Beijing.     “I look forward to my meeting with President Xi as we work towards shifting the trajectory of our relations to a higher gear that would hopefully bring […]