• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

High-capacity mass transit, susi para resolbahin ang matinding daloy ng trapiko- Dizon

KUMBINSIDO si Transportation Secretary Vivencio “Vince” Dizon na ang prayoridad ng pamahalaan na i-develop ang high-capacity mass transit systems—gaya ng Metro Manila Subway ay North-South Commuter Railway—ay solusyon para sa traffic congestion sa Kalakhang Maynila at kalapit lalawigan.

 

 

“The ultimate solution to traffic is really mass transit… high-capacity mass transit,” ayon kay Dizon sabay sabing “[Pag may] high capacity [mass transit], hindi na kailangan mag kotse. Kasi ang kotse, dalawa lang o apat ang kasya. [Kapag] high capacity, daan-daan ang kasya doon.”

Ibinahagi naman ni Dizon ang naging kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bilisan ang infrastructure projects gaya ng Metro Manila Subway.

 

 

“I spoke at length with the President about this, and the first thing he said, all these [high-capacity mass transit] projects have to be fast-tracked. Ang sinabi niya, unang-una, the ongoing [construction of the] Metro Manila Subway, kailangan bilisan. That is a game changer for all of us,” aniya pa rin.

Umaasa naman si Dizon para sa isang world-class subway system sa bansa.

“Ako talaga, [ang] wish ko lang [eh] na tayong lahat dito sa kwartong to at mga kababayan natin, in our lifetime, ma-experience natin may subway tayo sa Pilipinas na maayos, world class, like those in Tokyo, Hong Kong, Singapore. Iyon ang unang unang priority ng Presidente, kailangan bilisan ‘yan. Pangalawa, iyong North-South Commuter Railway,” ang sinabi ni Dizon.

Ikinalungkot naman ni Dizon ang pagkaantala ng infrastructure development sa bansa sa kabila ng pagiging una sa Asia na nakapagtayo ng light rapid transit system kasama ang Light Rail Transit (LRT) 1.

“It is very depressing na tayong unang-unang nagkaroon ng rail [system] sa Asia tapos ngayon, nagkukumahog tayo rito,” aniya pa rin.

 

 

Binigyang diin nito na madaliin ang pagkompleto sa subway, sabay sabing “[Kaya] itong subway, kailangan matapos nang mabilis. ‘Yun ang critical dyan. Pero, kung ang subway natin will take 15 years, eh, matagal naman masyado yun. [Dapat] bilisan natin.”

Binigyang diin naman ni Dizon ang epekto ng proyekto para pagaanin ang trapiko sa Metro Manila at mabawasan ang paghihirap ng araw-araw na pag-commute para sa mga mangggawa na bumi-biyahe mula sa mga kalapit-lalawigan.

 

 

“If we have the connectivity, if you live in Bulacan or Pampanga, you won’t even need to rent an apartment in Metro Manila because your travel time will just be at one hour for one way,” ang paliwanag ni Dizon.

Maliban sa mass transit, nais din aniya ng Pangulo na ayusin ang regional airports para palakasin ang turismo.

“Our regional airports… we need them to be well maintained, especially in tourist attractions like Siargao, Palawan. That is very important,” aniya pa rin.

Pag-alis ng Pilipinas sa FATF dirty money ‘grey list,’ pagkumpirma sa  global trust sa ekonomiya ng bansa.

Kasabay nito, pinapurihan ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa tagumpay ni Presidente Bongbong Marcos na maalis ang Pilipinas mula sa  Paris-based Financial Action Task Force (FATF) dirty money grey list.

Ayon sa speaker, maganda rin ang epekto nito sa  overseas Filipino workers (OFWs) sa pamamagitan ng maayos, mabilis at episyenteng  remittance ng kanilang pera sa mababang fees

“By restoring our standing in the global financial community, we are removing burdensome restrictions, reducing transaction costs, and allowing financial flows to move more efficiently. This is particularly good news for our OFWs, whose hard-earned remittances will now be processed faster and with lower fees,” ani Romualdez.

Naisama ang Pilipinas sa FATF grey list noong June 2021 o sa panahon ng dating administrasyon.

“We in the House worked closely with the Executive Branch, the Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), the Anti-Money Laundering Council (AMLC), and other key institutions to pass and implement crucial financial measures that paved the way for this success,” pahayag ni Romualdez. (Vina de Guzman)

Other News
  • Sobrang saya sa billboards nila ni Gela: SYLVIA, forever grateful and thankful sa Kapamilya Network

    FOREVER grateful and thankful ang premyadong aktres na si Sylvia Sanchez sa Kapamilya Network, ang kanyang mother studio simula pa noong 1997.     Sa kanyang Instagram post, kasama ang photos nila ng asawang si Papa Art Atayde, ang magkasintahan na sina Ria Atayde at Zanjoe Marudo. Ang mga larawan ay makikitang kuha sa rooftop […]

  • Ex-DOH secretaries, doctors umapela kay Pres. Duterte na ‘wag harangan ang Senate probe

    Nagsama-sama ang daan daang mga doktor maging ang ilang dating mga Health secretaries upang manawagan kay Pangulong Rodrigo Durterte na sana ay ‘wag harangin ang ginagawang imbestigasyon ng mga senador sa umano’y anomalya sa paggamit ng COVID-19 response.     Naglabas ng statement ang Philippine College of Physicians (PCP), na pinirmahan ng maging dating mga […]

  • Pinas ika-20 bansa na may pinakamaraming kaso ng COVID-19

    PUMASOK sa ika-20 ang Pilipinas sa may pinakamaraming kaso ng coronavirus disease (COVID- 19) sa buong mundo.   Ayon sa Johns Hopkins University Coronavirus Resource Center, nasa ika-20 ang Pilipinas na may 314, 079.   Sumunod naman sa listahan ang Pakistan na mayroong 312,806 na kaso habang nasa ika-19 na puwesto ang Italy na mayroong […]