• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

HIGIT 100 PAMILYA APEKTADO NG DEMOLISYON SA TONDO

ITINULOY pa din ang pagdemolish sa kabila ng kahilingan ng Office of the City Legal Office sa Maynila na ipagpaliban ang pagpapagiba sa higit 60 istraktura na nakatirik sa pagmamay-ari ng isang pribadong kumpanya, makaraang basbasan ng kinatawan ng City Engineering Office sa Tondo.

 

 

Ayon kay Engr. Ed Balayan, building inspector, binigyan nila ng basbas na ipademolish ang nasa higit 300 sq/m na lupain na kinatitirikan ng mga bahay ng nasa 100 pamilya na matatagpuan sa kanto ng Coral at Juan Luna Sts. dahil walang maipakitang Temporary Restraining Order (TRO) mula sa Supreme Court (SC) ang Tondo Central Neighborhood Association, Inc.

 

 

Nilagdaan ni City Legal Officer Veronica N. Lladoc ang nasabing kasunduan kung saan dapat kanselahin o ipagpaliban ang demolisyon sa lugar na pag-aari ng Meridian Cargo Forwarders, Inc. dahil sa nakabinbing petisyon for review sa Korte Suprema.

 

 

Dahil dito walang nagawa ang mga residente kaya nakiusap na lamang sila na bigyan sila ng sapat na oras upang makapag-alsa balutan at mailipat ang kanilang mga gamit bago gibain ang kanilang tinutuluyang bahay.

 

 

Nabatid din kay Balayan na noong Nob. 2 pa dapat nakatakdang ipagiba ang naturang residential area na sakop ng Barangay 59.

 

 

Samantala, may mga nakaantabay namang mga tauhan ng DSWD, Housing and Urban Development at iba pa upang umalalay sa mga apektadong residente kung saan inilista ang bawat pamilya upang mabigyan ng kahit konting tulong pinansyal.  (Gene Adsuara)

Other News
  • DepEd, suportado ang pagpapatuloy ng work immersion para sa mga SHS students

    SUPORTADO ng Department of Education (DepEd) ang “reintroduction” ng physical work immersion sa gitna ng nagpapatuloy na progressive expansion ng face-to-face classes.     Ang pagsasagawa ng onsite work immersion para sa senior high school (SHS) students, na isang required subject para sa Technical-Vocational-Livelihood (TVL) track, ay sinuspinde sa panahon ng COVID-19 pandemic.     […]

  • Ads July 18, 2023

  • Dingdong, muling idinirek si Marian sa bagong episode ng ‘Tadhana’

    BALIK ang Kapuso Royal Couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa trabaho dahil muling idinirek ni Dingdong si Marian sa bagong episode ng GMA’s drama anthology series on OFW’s, ang Tadhana.        Nag-share sa Instagram si Dingdong ng photo shoot niya ni Marian with the caption: “Ooops, tatlo na sila! Sa sobrang […]