• March 29, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Higit 1,300, bagong med tech; Taga-UST, topnotcher – PRC

INANUNSYO na ng Professional Regulation Commission (PRC) ang 1,307 mula sa 2,619 na nakapasa sa Medical Technologist Licensure Examination.

 

 

Ang nasabing pagsusulit ay ibinigay ng Board of Medical Technology na idinaos sa Manila, Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Legazpi, Lucena, Rosales, San Fernando, Tacloban, Tuguegarao at Zamboanga ngayong January 2022.

 

 

Nanguna sa Medical Technologist Licensure Examination si Kyle Patrick Rivera Magistrado mula University of Santo Tomas (UST) na nakakuha ng 90.40 na rating.

 

 

Mula rin sa UST ang pumangalawa na si Natalie Cu na mayroong 89.30 rating, pangatlo ay taga-Southwestern University na si Elaine Dagondon na may 88.70, sunod si Marjo Escalon ng DMMC Institute of Health Sciences, INC na may 88.50.

 

 

Samantala, pagdedesisyunan pa ng PRC ang petsa kung kailan at saan isasagawa ang oathtaking ceremony ng mga bagong medical technologist.

Other News
  • DJ Mo, kinasal na sa longtime partner na si ANGELICOPTER sa Iceland; tinuloy kahit inabutan ng snow storm

    KINASAL na si DJ Mo Twister sa kanyang longtime partner na si Angelicopter sa bansang Iceland noong nakaraang June 15.     Sa Instagram, pinost ni DJ Mo ang litrato nila ni Angelicopter na kuha sa Skaftafell sa Vatnojökull National Park. May kuha pa ang newlyweds sa famous Svartivos falls.     Pinlano raw ng […]

  • Pinas, nagprotesta laban sa bagong “provocative acts” ng Chinese vessels sa South China Sea

    NAGHAIN  ng protesta ang Pilipinas laban sa bagong “provocative acts” ng Chinese vessels sa South China Sea.     Sa isang  tweet, sinabi ng DFA na nagpapatunog ng sirena at busina ang mga barko ng China sa gitna ng pagpapatrolya ng mga awtoridad ng Pilipinas na nagsasagawa ng “legitimate, customary, and routine patrols sa “territory and maritime […]

  • Ningning sa 80th Golden Globe Awards, muling naibalik: ANGELA, waging best supporting actress at nakalaban ni DOLLY

    MULING bumalik ang ningning ng Golden Globe Awards sa kanyang 80th year pagkatapos na di ito nagkaroon ng live awards night noong nakaraang taon.     Hosted by Jerrod Carmichael, ginanap ang ng live ang Golden Globes sa Beverly Hill Hilton in Beverly Hills, California. Muling bumalik sa red carpet ang mga celebrities at present […]