Higit 18K posisyon paglalabanan sa 2025
- Published on September 30, 2024
- by @peoplesbalita
MAYROONG HIGIT 18,280 elective positions ang paglalabanan ng mga kandidato sa buong bansa sa 2025 National and Local Elections, ayon sa datos ng Commission on Elections (COMELEC).
Kinabibilangan ito ng 12 Senators, 63 Party-List Representatives, 254 Member ng House of Representatives, 82 Governor, 82 Vice-Governor, 800 na Member ng Sangguniang Panlalawigan, 149 City Mayor, 149 Vice Mayor, 1,690 Member ng Sangguniang Panglungsod, 1,493 Municipal Mayor, 1493 Municipal Vice-Mayor, 11,948 Member ng Sangguniang Bayan, 25 BARMM Members of the Parliament, at 40 BARMM Party List Representatives.
Nitong Setyembre 17, nakapagtala ng 6,250,050 bagong registered voters ang Comelec , kung saan ang Calabarzon ang may pinakamataas na naitala sa bilang na 1,041,179; pumangalawa ang National Capital Region na 824,239; Central Luzon – 705,530; Davao Region – 356,854; Central Visayas – 331,033; at sa main office ng Comelec sa Maynila ay may 9,201.
Muling nagpaalala kahapon si Comelec Chairman George Erwin Garcia na wala nang pagpapalawig pa sa pagtatapos ng registration period sa Set. 30, 2024 para sa 2025 midterm elections.
-
MMDA: Trapik, lalo pang sisikip habang papalapit ang Pasko
INAASAHAN na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang lalo pang pagbigat ng daloy ng trapiko habang papalapit ang Pasko. Ayon kay MMDA chairperson Atty. Romando Artes, dapat nang asahan ng publiko ang masikip na traffic simula ngayong araw, Disyembre 7, na hudyat ng Christmas season. Partikular na tinukoy ni Artes […]
-
Mas mabilis at maliksi ako kay Spence- Pacquiao
Matinding kalaban si Errol Spence Jr. na may bitbit na dalawang korona – ang World Boxing Council (WBC) at International Boxing Federation (IBF) welterweight titles. Mas bata rin ang 31-anyos na si Spence kumpara sa 42-anyos na eight-division world champion Manny Pacquiao. Ngunit hindi ito hadlang para kay Pacquiao. […]
-
GSIS, bibigyan ng isang “exclusive express lane” ang mga guro, tauhan ng DepEd- VP Sara
BIBIGYAN ng “ultimate customer service” ng Government Service Insurance System (GSIS) ang mga guro at iba pang personnel ng Department of Education (DepEd). Ang tinutukoy ng GSIS na ultimate customer service ay isang exclusive express lane sa GSIS Central Office at regional branches nito para sa mga guro at tauhan ng nasabing departamento. […]