• September 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Higit 31-K Pulis fully vaccinated – ASCOTF

Dahil sa banta ng Delta variant ng Covid-19 at sa inilabas na “stern reminder” ng pamunuan ng PNP nahikayat ang iba pang mga police personnel na magpabakuna.

 

 

Dahilan para tumaas pa ang bilang ng mga pulis na nabakunahan laban sa Covid-19.

 

 

Magugunita sa previous data ng ASCOTF nasa 8.5% sa mga kapulisan ang ayaw magpabakuna pero ngayon nasa 6.6% o nasa 14,455 na lamang ang ayaw.

 

 

Sa panayam ng Bombo Radyo kay PNP The Deputy Chief for Administration (TDCA) at ASCOTF Commander Lt Gen. Joselito Vera Cruz, nakatulong kahit papaano ang paalala na ibinigay sa kanilang mga tauhan para mahikayat ang mga ito na magpa bakuna.

 

 

Sinabi ni Vera Cruz, batay sa datos at survey na isinagawa ng PNP as of July 27,2021 sumampa na sa 31,188 o nasa 14.28% police personnel ang fully vaccinated habang nasa 48,000 o 21.98% ang nabakunahan na ng first dose.

 

 

Nasa 139,000 o 63.75% ang hindi pa nabakunahan.

 

 

“Kahit papaano siguro Anne nkatulong ito sa pag hikayat sa mga kapulisan na magpa bakuna dahil nga sa threat ng delta variant. Sa ngayon wala pa naman kumpirmadong kaso ng delta variant sa ating hanay. Lagi naman natin pinapaalahanan ang ating mga kapulisan lalo yung mga nagsasagawa ng ibat ibang police operations kasama na nga dito ang pag secure sa SONA na laging i- observe ang MPHS para na rin sa kanilang kaligtasan,” mensahe na ipinadala ni Lt Gen. Vera Cruz sa Bombo Radyo.

 

 

Ayon sa Heneral, batay naman sa kanilang isinagawang vaccination survey nasa 170,202 o 77.92% na mga kapulisan ang gustong magpabakuna; 33,648 o 15.41% dito ay may brand option habang nasa14,555 o 6.66% percent ang ayaw pa rin magpa bakuna.

 

 

Gayunpaman, sinabi ni Vera Cruz patuloy ang kanilang paghihikayat sa kanilang mga tauhan na magpa bakuna para may proteksiyon laban sa Covid-19.

 

 

Sa ngayon walang namomonitor ang ASCOTF na may police personnel na nahawaan ng Delta variant.

 

 

Kaya paalala ng Administrative Support for Covid-19 Task Force sa mga kapulisan na nagsasagawa ng ibat ibang police operations na striktong sundin ang minimum public health standard para sa kanilang kaligtasan kahit bakunado na ang mga ito.

 

 

Samantala, nasa kabuuang 750 doses ng Sinovac vaccine ang natanggap ng PNP nuong nakaraang linggo.

 

 

Ayon kay Vera Cruz, ang 500 doses ay mula sa DOH para sa second dose ng mga binakunahan na nasa A4 category ng PNP.

 

 

Nasa 250 doses naman ang natanggap nilang donasyon mula sa Quezon City Government na ibinigay sa pamamagitan ng PNP Officers Ladies Club.

 

 

Kamakailan lamang nabigyan ang PNP ng halos 10,000 doses ng Sputnik V vaccine at naghihintay pa rin sila sa dagdag na vaccine allocation mula sa gobyerno.

 

 

” Anne, we received a total of 750 Sinovac vaccines, 500 Sinovac for 2nd dose from DOH and 250 Sinovac for 2nd dose from QC LGU thru Officers Ladies Club,” dagdag pa ni Vera Cruz. (Daris Jose)

Other News
  • Ads February 25, 2023

  • Ads May 20, 2022

  • Bagong strain ng COVID-19 binabantayan ng DOH

    Binabantayan na ng Department of Health (DOH) ang nai-report na bagong strain ng COVID-19 sa United Kingdom na nagresulta upang magpatupad ang iba pang European countries ng restrictions sa mga biyahe mula sa UK.   “According to Research Institute for Tropical Medicine (RITM), wala pa silang nakikitang bagong strain na mayroon dito sa ating bansa, based […]