Higit 582-M doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccines dumating sa Phl
- Published on August 21, 2021
- by @peoplesbalita
Karagdagang 582,500 na AstraZeneca COVID-19 vaccine doses ang dumating sa Pilipinas ngayong umaga.
Dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Termina 1 ang mga bakunang ito pasado alas-9:25 ng umaga lulan ng isang China Airlines flight.
Ang mga bakunang ito ay binili ng private sector sa pamamagitan ng tripartite agreement sa national government.
Noong nakaraang linggo lang, 575,800 doses ng AstraZeneca COVID-19 jabs na binili ng private sector ang dumating din sa Pilipinas.
Sa kabuuan, aabot na sa mahigit 46 million COVID-19 vaccine doses ang natanggap ng bansa magmula noong Pebrero.
Mahigit 12.8 million inidbidwal naman ang fully vaccinated na kontra COVID-19 hanggang noong Agosto 18, at halos 30 million doses naman ang naituturok na.
Ngayong araw, inaasahan din ng bansa ang pagdating ng 749,200 pang Sinopharm COVID-19 vaccine doses na donasyon naman ng Chinese government. (Gene Adsuara)
-
Janine, ka-level na ni Nora sa pagiging best actress sa Gawad Urian
GABI ng mga baguhan ang 43rd Gawad Urian na ginanap noong Tuesday night. First time winners sina Janine Gutierrez, nahirang na Best Actress para sa Babae at Baril which took the lion’s share of the awards, at si Elijah Canlas who was named Best Actor for Kalel, 15. Unang nominasyon nina Janine at […]
-
Pitong NBA players, positibo sa Covid
Pitong NBA players, kasama si Denver Nuggets All-Star center Nikola Jokic, ang nagpositibo sa coronavirus o mas kilala sa tawag na Covid-19. Tanging si Jokic lang sa pitong manlalaro ang pinangalanan sa mga nagpositibo at ngayo’y naka-quarantine sa Serbia, ayon sa ulat. Bukod kay Jokic, dalawa pang miyembro ng Phoenix Suns ang naitalang […]
-
Festival float ng ’Topakk’, pinakamaganda at nambulabog sa star-studded na ‘MMFF 2024 Parade of Stars’
TULAD ng inaasahan punum-puno ng mga bituin ang matagumpay na MMFF 2024 Parade of Stars noong Sabado, Disyembre 21, 2024 sa Lungsod ng Maynila. Pinangunahan ito nina Vilma Santos, Aga Muhlach, Nadine Lustre, Judy Ann Santos, Arjo Atayde, Julia Montes, Vice Ganda, Dennis Trillo at marami pang iba. Naggagandahan at pinaghandaang […]