• June 12, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Higit 6K tradisyunal na jeep sa MM, balik pasada ngayon

Balik pasada na simula ngayon, Hulyo 3, ang 6,002 tradisyunal na jeep sa Metro Manila makalipas ang mahigit tatlong buwang tigil-operasyon bunsod ng community quarantine sa gitna ng COVID-19 pandemic.

 

Base sa guidelines na inilabas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) tanging ang mga maituturing na “road worthy” traditional jeepneys lamang at iyong may valid Personal Passenger Insurance Policy ang papayagang makabiyahe sa 49 number-coded routes.

 

Sa halip na kumuha pa ng special permit ang kailangan na lamang kunin ng mga operators at drivers ay QR Code, na available naman sa website ng LTFRB.

 

Pinatitiyak din ng LTFRB sa mga operators na fit to work ang kanilang mga drivers at walang nararanasang sintomas ng COVID-19.

 

Bukod sa routine pre-dispatch inspection, iginiit ng LTFRB na kailangan magkaroon din ng disinfection sa loob ng tradisyunal na jeep bago ito bumiyahe, at ang mga drivers ay dapat palagiang nakasuot ng face mask at gloves.

 

Ang mga pasahero ay dapat na nakasuot din ng face mask at hinihikayat na hangga’t maari ay eksaktong halaga ang pamasahe na ibayad sa fare collection system tulad nang drop box para maiwasan ang transmission ng COVID-19.

 

Hangga’t maari ay magkaroon din anila dapat ng footbath sa hakbang paakyat ng tradisyunal na jeep at disinfection ng mga upuan at hawakan.

 

Ang bilang ng isasakay na pasahero ay hindi dapat lalagpas sa 50 percent ng kanilang passenger seating capacity at dapat one-seat apart, na maaring ipatupad naman sa pamamagitan nang paglagay ng barriers na may isang metrong pagitan.

 

Mananatili naman sa P9 ang pamasahe sapagkat ayon sa LTFRB ay walang fare adjustment na gagawin.

 

Inoobliga rin ang mga operators at drivers na magbiga ng Passenger Contact Form sa mga pasahero para sa contact tracing ng pamahalaan.

 

Sinumang lalabag dito ay pagmumultahin at/o kanselasyon o suspensyon ng kanilang Certificate of Public Convenience o Provisional Authority na makabiyahe.  (Daris Jose)

Other News
  • DPWH pinasalamatan ang PSC sa pagtulong ngayon coronavirus pandemic

    Pinasalamatan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang Philippine Sports Commission (PSC) dahil sa pagtulong nito sa paglaban sa novel coronavirus pandemic sa bansa.   Sa sulat ng DPWH sa PSC, labis ang pasasalamat nila sa pagpapahiram ng PSC ng kanilang pasilidad.   Ginamit kasi ang ilang pasilidad ng PSC para gawing quarantine […]

  • NADINE, patuloy na lumalaban sa mga kumplikasyon tuwing nagbubuntis at muntik nang makunan

    PATULOY na lumalaban ang aktres na si Nadine Samonte sa mga nagiging kumplikasyon tuwing nagbubuntis siya.     Sa pinost ng former Kapuso actress via Facebook, muli niyang pinagdaraanan sa kanyang ikatlong pregnancy ang hormonal disorder na Polycystic ovary syndrome or PCOS at Antiphospholipid or APAS.     According to the Mayo Clinic website: “PCOS […]

  • Maging handa sa EL NIÑO phenomenon

    NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa sambayanang Filipino para sa whole-of-nation approach sa paglaban sa epekto ng El Niño phenomenon, inaasahan na magtatagal sa second quarter ng 2024.     Pinaalalahanan naman ng Pangulo ang mga ahensiya ng pamahalaan na bilisan ang pagkumpleto sa mga irrigation facility at iba pang istraktura.     […]