• April 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Higit 700 healthcare workers kailangan para sa Metro Manila

Mahigit 700 ang bakanteng trabaho para sa mga healthcare workers sa Metro Manila, ayon kay Health Undersecretary at treatment czar Leopoldo Vega.

 

 

Ayon kay Vega, nasa 3,500 trabaho ang binuksan kamakailan sa Metro Manila, pero mayroon pa rin aniyang 22 percent na bakante.

 

Yung kinakailangan aniya nilang healthcare workers ay para sa mga pampubliko at pribadong ospital, pati na rin sa mga testing centers at isolation facilities sa Metro Manila.

 

 

Ang matatanggap na sahod ng mga makukuhang healthcare workers ay salig sa salary standardization sa posisyon na kanilang hahawakan.

 

 

Samantala, sinabi naman ni Vega na ang healthcare utilization rate ngayon sa Metro Manila ay nasa low risk na dahil nasa 48 percent na lamang ito sa ngayon, ganon din sa ICU occupancy rate na nasa 51 percent.

Other News
  • DOTr kampanteng di matutuloy ang transport strike vs jeepney phaseout

    NANANALIG ang Department of Transportation (DOTr) na hindi matutuloy ang pinaplanong transport strike ng mga tsuper at operator ng public utility vehicles sa susunod na linggo, ito habang naghahanda ng mga alternatibong masasakyan ng publiko kung sakaling tuloy ang welga.     Nagbabalak kasi ng tigil-pasada ang ilang operator at driver ng jeep at UV […]

  • Palalakasin ang slot ng A2Z, Kapamilya Channel, at TV5: Noontime show nina VICE at BILLY, sanib-pwersa nang mapapanood

    SANIB-PWERSA ang Lunch Out Loud at It’s Showtime para palakasin ang noontime slot ng A2Z, Kapamilya Channel, at TV5.     Simula sa Sabado, July 16, simula starting at 11 am back-to-back na mapapanood na ang dalawang programa. From 11 am to 12:45 pm ay mapapanood ang Lunch Out Loud tapos papasok naman ang It’s […]

  • Olympian pole vaulter EJ Obiena nagulat matapos pigilan ng US immigration

    NABIGLA umano at hindi makapaniwala ang world pole vaulter na si EJ Obiena matapos pigilan ng mga ahente ng US Department of Homeland Security sa loob ng mahigit 12 oras dahil sa hinalang pagtakas sa mga kasong felony sa Pilipinas sa pagdating nito sa Los Angeles mula sa bansang Italy noong July 7, 2022.   […]