Higit 90% ng cash subsidies naipamahagi na sa mga PUV operators – LTFRB
- Published on May 8, 2021
- by @peoplesbalita
Lagpas 90% ng direct cash subsidies o mahigit P900 million na ang naibigay sa 80,249 public utility vehicle (PUV) operators sa buong bansa, ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Sa isang statement, sinabi ng LTFRB na sa ilalim ng Direct Cash Subsidy Program ng ahensya at ng Department of Transportation (DOTr), kabuuang P916,058,000 subsidiya na ang napaabot sa mga PUV operators noong Abril.
Nabatid na ang bawat operator ay nakatanggap ng P6,500 sa kada PUV unit sa ilalim ng kanilang prangkisa bilang cash aid upang matulungan sila matapos na tinamaan ang kanilang hanapbuhay bunsod ng safety protocols na ipinatupad para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.
Kabuuang 178,244 PUV units ang inaasahan na makakatanggap ng financial aid.
Ang mga eligible para rito ay ang mga operators ng public utility buses, point-to-point buses, public utility jeepneys, mini-buses, UV express vehicles, at FilCab units. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Pilipinas at Japan, pumirma ng kasunduan para sa 97-meter patrol vessels
PUMIRMA ng kasunduan ang Pilipinas at Japan ngayong araw para sa limang 97-meter Multi-Role Response Vessels ng Philippine Coast Guard. Ayon sa Department of Foreign Affairs, nagkakahalaga ng 64.38 billion yen o halos 24 million pesos ang limang vessels gayundin ang pag-develop ng support facilities. Ito ay popondohan ng […]
-
Bucks tinapos ang ratsada ng Grizzlies
NAGSALANSAN si Giannis Antetokounmpo ng 33 points, 15 rebounds at 7 assists para ihatid ang nagdedepensang Bucks sa 126-114 paggupo sa Memphis Grizzlies. Tinapos ng Milwaukee (31-16) ang kanilang dalawang sunod na kabiguan para upuan ang No. 4 spot sa Eastern Conference at winakasan ang six-game road winning streak ng Memphis (31-16) na […]
-
PBBM, itinalaga si Diokno bilang miyembro ng Monetary Board
MAGBABALIK si dating Finance Secretary Benjamin Diokno sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) bilang miyembro ng Monetary Board. Pinalitan ni dating Deputy Speaker Ralph Recto si Diokno bilang Kalihim ng Department of Finance (DoF). Nauna rito, pinasalamatan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Diokno para sa “excellent performance” nito sa […]