Higit P.3M shabu, nasabat sa 3 drug suspects sa Caloocan
- Published on December 23, 2024
- by @peoplesbalita
UMABOT sa P.3 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa tatlong drug suspects, kabilang ang isang High Valaue Individual (HVI) matapos maaresto sa buy bust operation sa Caloocan City.
Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Pual Jady Doles ang naarestong mga suspek na sina alyas “Michael”, alyas “Ardy”, at alyas “Alvin”.
Ayon kay Col. Doles, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa umano’y illegal drug activities ni alyas Michael kaya isinailalim nila ito sa validation.
Nang positibo ang report, ikinasa ng SDEU ang buy bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek matapos bintahan ng P6,500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa Barangay 28, dakong alas-7:01 ng umaga.
Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 56 grams ng suspected shabu na nagkakahalaga ng P380,000, at buy bust money na isang tunay na P500 bill at anim pirasong P1,000 boodle money.
Pinuri naman ni Col. Ligan ang oagsisikap ng mga operatiba. “This operation is a clear demonstration of our relentless pursuit to dismantle drug syndicates in the region. The NCRPO remains steadfast in its commitment to combating illegal drugs and ensuring the safety and well-being of our communities.” aniya.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)
-
Experience 2023’s Best Sci-fi Film and Watch “The Creator” Now in Cinemas and IMAX
EXOPERIENCE a different kind of future and witness the bitter clash between man and artificial intelligence in 2023’s best sci-fi film, 20th Century Studios’ “The Creator,” now showing in cinemas and IMAX. To celebrate the film’s premiere in the Philippines, a special screening event was held at SM Megamall last September 30. Avid moviegoers and sci-fi […]
-
DOH, tiniyak na matatanggap sa lalong madaling panahon ng mga health care workers ang COVID-19 benefits
SINIGURO naman ng Department of Health (DOH) na matatanggap na sa lalong madaling panahon ng mga health care workers ang kanilang mga COVID-19 benefits. Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire nagsumite na rin ng mga kaukulang dokumento sa Department of Budget and Management (DBM) upang maipaluwal na ang pondo para sa mga […]
-
1 SA 2 SUSPEK SA PANGANGARNAP AT TANGKANG PAGPATAY SA CARPOOL DRIVER, ARESTADO
TIMBOG ng mga tauhan ng Valenzuela City Police ang isa sa dalawang suspek sa pangangarnap at tangkang pagpatay sa 28-anyos na carpool driver na binigti at pinagsasaksak sa loob ng minamanehong Toyota Hi Ace van ng biktima. Kinilala ni PLT Robin Santos, hepe ng Valenzuela City Warrant and Subpoena Section (WSS) ang naarestong […]