• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Higit P.7M shabu, nasamsam sa 4 drug suspects sa Valenzuela

KALABOSO ang apat drug suspects, kabilang ang isang High Value Individual (HVI) matapos makuhanan ng mahigit P.7 milyong halaga ng shabu nang maaresto ng pulisya sa buy bust operation sa Valenzuela City.

Kinilala ni P/Lt. Col. Timothy Aniway Jr, hepe ng Northern Police District – District Drug Enforcement Unit (NPD-DDEU) ang mga suspek na sina alyas “Bossy”, 20, alyas Johaira, 38, alyas “CJ”, 22, at alyas “John”, 20.

Ayon kay Lt. Col. Aniway, ikinasa nila ang buy bust operation sa pangunguna ni P/Capt. Regie Pobadora, sa koordinasyon sa PDEA at sa tulong ng Valenzuela Police Sub-Station 3 matapos magpositibo ang natanggap nilang ulat hinggil sa umano’y pagbebenta ng shabu ni alyas Bossy.

Dakong alas-1:20 ng madaling araw nang dambahin ng mga tauhan ng DDEU si alyas Bossy at ‘Johaira’ nang magsabwatan umano na bintahan ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa No. 30 Espiritu St., Brgy. Marulas habang naaktuhan naman ang dalawa pang suspek na sumisinghot ng shabu.

Ani Cappt. Pobadota, nakumpiska nila sa mga suspek ang humigi’t kumulang 110 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P748,000.00, buy bust money, at drug paraphernalias.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Pinuri ni PCOL Josefino Ligan, Acting District Director ng NPD ang mga operatiba ng DDEU sa kanilang dedikadong pagsisikap at pangako sa pagpuksa sa ilegal na droga at pagprotekta sa komunidad. (Richard Mesa)

Other News
  • Direk GINA, mabilis na nag-sorry kay CLAIRE after ng eksenang sampalan na nag-trending sa Facebook at Twitter

    INABOT daw ng halos isang oras sa pagligo si Claire Castro pagkatapos ng eksena sa Nagbabagang Luha kunsaan nakatikim siya ng matinding sampal mula kay Gina Alajar.   Bukod daw sa sampal ay nginudngod pa raw ang mukha niya sa cake. Pero naging professional daw si Claire at ikinatuwa pa niya ang masampal ni Direk […]

  • Dwayne Johnson, Announces Premiere Date of Netflix Film ‘Red Notice’ With Ryan Reynolds and Gal Gadot

    NETFLIX just revealed the release date of its biggest movie Red Notice and set to premiere globally this November 12.     This is announced by Dwayne Johnson on his Instagram, where he uploaded a photo of him with his co-stars Ryan Reynolds and Gal Gadot.     In his caption, he said: “Ladies & gents @Netflix’s biggest movie ever #REDNOTICE will premiere in […]

  • Benilde rumesbak!

    BUHAY  pa ang College of Saint Benilde nang kubrahin nito ang 76-71 panalo kontra sa defending champion Colegio de San Juan de Letran para makahirit ng do-or-die Game 3 sa NCAA Season 98 men’s basketball finals kahapon sa Smart Araneta Coliseum.     Walang iba kundi si season Most Valuable Player (MVP) Will Gozum ang […]