Higit P.8M droga, nasamsam sa 2 HVI drug suspects sa Valenzuela
- Published on December 7, 2024
- by @peoplesbalita
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban ang naarestong suspek na si alyas “Buboy”, 56, taxi driver ng Obando, Bulacan.
Ayon kay Col. Cayaban, ikinasa ng mga tauhan ni P/Capt. Joan Dorado, hepe ng Station Drug Enfortcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt. Johnny Llave ang buy bust operation matapos magpositibo ang natanggap nilang impormasyon hinggil sa pagbebenta umano ng shabu ni alyas Buboy.
Nang matanggap ang pre-arrange signal mula sa kanyang kasama na nagpanggap na poseur-buyer na hudyat na nakabili na siya ng shabu sa kanilang target, agad lumapit ang back-up na operatiba saka inaresto nila ang suspek dakong alas-7:10 ng Miyerkules ng umaga sa Kabesang Imo St., Brgy. Balangkas.
Ani SDEU investigator PMSg Ana Liza Antonio, nakuha sa suspek ang humgi’t kumulang 60 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P408,000.00, buy bust money na isang tunay na P500 bill at walong pirasong P1,000 boodle money, cellphone, P150 cash at coin purse.
Nauna rito, alas-4:20 ng Miyerkules ng madaling araw nang madakip naman ng mga operatiba ng DDEU-NPD sa pangunguna ni PSSg Ronilo Tilano sa buy bust operation sa loob ng kanyang bahay sa Balanti St., Brgy. Ugong si alyas “Bong”, 53.
Sa report niya kay Col. Ligan, sinabi ni DDEU chief P/Lt Col. Robert Sales na nakuha ng kanyang mga tauhan kay alyas Bong ang nasa 65 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P442,000.00, P500 buy bust money, at cellphone.
Pinuri naman ni NPD Director Ligan ang Valenzuela police at DDEU sa kanilang matagumpay na drug operation na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek na kapwa mahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) at Section 11 (Possession of Dangerous Drug) under Article II of RA 9165. (Richard Mesa)
-
“AQUAMAN AND THE LOST KINGDOM” IS FUNNIER THAN ITS BOX-OFFICE HIT PREDECESSOR, SAY JASON MOMOA AND DIRECTOR JAMES WAN
DIRECTOR James Wan has always planned for the “Aquaman” sequel to have a bit more comedy. In an interview with “Empire” magazine, Wan said, “From the start, I pitched that the first film would be a ‘Romancing the Stone’-type thing – an action-adventure romantic comedy,” he said, “while the second would be […]
-
3M pamilyang Pilipino nagutom sa huling quarter ng 2022, sabi ng SWS
LUMOBO sa 11.8% ng pamilyang Pilipino (3 milyon) ang “nagutom at walang makain” sa huling tatlong buwan ng 2022, ito kasabay ng pinakamabilis na pagtaas ng presyo ng bilihin sa 14 taon. Ito ang napag-alaman ng Social Weather Stations (SWS) matapos isapubliko, Huwebes, ang kanilang “hunger rate” survey na ikinasa mula ika-10 hanggang […]
-
Maging proud and responsible pet parents: ALDEN, nananawagan ng ‘fair treatment’ sa mga Aspin sa campaign ng PAWS
NANG lumabas ang campaign ng National Aspin Day, na ini-launch ng PAWS, kinatuwaan ang post ni Alden Richards, na “I Love (heart emoji) My Aspin” na kasama ang aso niyang si Chichi. He is the newest celebrity spokesperson who will join Heart Evangelista in promoting aspins, na ini-encourage nila ang mga owners ng asong Pinoy […]