• February 10, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Higit P1 milyon shabu, nasabat sa HVI tulak sa Caloocan

KALABOSO ang isang drug suspect na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos makuhanan ng mahigit P1 milyon halaga ng shabu makaraang kumagat sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City.

 

 

 

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni District Drug Enforcement Unit (DDEU) chief P/Col. P/Capt. Regie Pobadora ang naarestong suspek na si alyas “Kuya”, 47, ng Sta Monica, Hagonoy, Bulacan.

 

 

Ayon kay Capt. Pobadora, ikinasa nila ang buy bust operation matapos magawang makipagtransaksyon sa suspek ng isa sa kanyang mga tauhan ng P36,000 halaga ng shabu.

 

 

Nang tanggapin umano ng suspek ang marked money mula sa pulis na nagpanggap na poseur buyer kapalit ng isang medium plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba ng DDEU dakong alas-3:18 ng madaling araw sa Sta Quiteria, Brgy. 161, Caloocan City.

 

 

Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 150 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P1,020,000.00, buy bust money na isang tunay na P1,000 bill at 35-pirasong P1,000 boodle money, sling bag, cellphone keypad, at gamit niyang motorsiklo.

 

 

“This operation is a testament to the NPD’s unwavering commitment to eradicating illegal drugs and creating a safer environment for the residents of Metro Manila,” ani NPD Director.

 

 

“We urge the public to continue supporting our efforts by reporting any illegal drug activity to the authorities. Together, we can make our communities safer.” dagdag niya.

 

 

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) under the Republic Act (R.A.) 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • Posibilidad na magdagdag pa ng NBA teams, pinag-aaralan na – Silver

    Inamin ng NBA na hindi nila isinasara ang kanilang pintuan sa posibilidad na madagdagan pa ang kasalukuyang 30 teams na naglalaro sa liga.   Ayon kay NBA commissioner Adam Silver, sa ngayon ay kanila nang pinag-aaralan kung ano ang maaaring implikasyon ng pagpapalawig pa sa bilang ng mga naglalarong koponan.   Paglalahad pa ni Silver, […]

  • ‘One-time, big-time’ tigil pasada ikinakasa!

    NAGBANTA ang isang transport group na magtitigil-pasada at magsasagawa ng ‘one-time, big-time’ na transport strike, kung hindi pagbibigyan ng pamahalaan ang kanilang hiling na ibalik muna ang hiling na pisong provisional increase sa pasahe.     Binigyan lamang ng grupong Liga ng Transportasyon at mga Operators sa Pilipinas (LTOP) ang Land Transportation Franchising and Regulatory […]

  • VP Sara, nangako ng tuloy-tuloy na serbisyo mula sa OVP sa kabila ng pagbaba ng ratings

    TINIYAK ni Vice President Sara Duterte na patuloy na magbibigay-serbisyo ang kanyang tanggapan sa mga mamamayang Filipino sa kabila ng pagbaba ng ‘approval at trust ratings’ nito. Sa isang panayam, hindi lamang nangako si VP Sara na ipagpapatuloy ng OVP ang pagbibigay serbisyo sa mga Filipino kundi nangako rin ito na paghuhusayin at palalakasin pa […]