• February 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Higit P100K droga, nasabat sa 4 na tulak sa Navotas

BAGSAK sa kulungan ang apat na hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyong halaga ng shabu nang malambat sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Navotas City.

 

 

 

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes ang mga naarestong suspek na sina alyas “Benjamin”, 22, at alyas “Marvin”, 25, kapwa residente ng Manila.

 

 

Ayon kay Col. Cortes, ikinasa ni P/Capt. Luis Rufo Jr., hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy bust operation nang magpositibo ang natanggap nilang impormasyon na dumadayo pa umano ang mga suspek sa lungsod para magbenta ng shabu.

 

 

Nang tanggapin umano ng mga suspek ang marked money mula sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad silang dinamba ng mga operatiba dakong alas-10:10 ng gabi sa Lapu-Lapu Street Barangay San Roque.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 10.3 grams ng suspected shabu na may standard drug price value na P70,040.00 at buy bust money.

 

 

Bandang alas-4:04 ng madaling araw nang madakma naman ng kabilang team ng SDEU ang dalawa ring tulak na sina alyas “Tukmol” at alyas “Kalut”, sa buy bust operation sa Babanse St. Brgy. NBBS.

 

 

Ani Capt. Rufo na nanguna sa operation, nasamsam sa mga suspek ang nasa 10.26 gramo ng hinihinalang shabu na katumbas na halagang P69,768.00 at buy bust money.

 

 

Pinuri naman ni NPD Director Ligan ang Navotas police sa kanilang pagsisikap na tugisin ang mga taong nagpapalakat ng ilegal na droga kung saan patuloy aniyang sinusuportahan ng NPD ang mga inisyatiba na nagtataguyod ng kaligtasan ng publiko at ang kapakanan ng komunidad.

 

 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

 

Other News
  • Ads March 26, 2024

  • Pamumuhunan na inaprubahan ng Board of Investments, tumaas ng 11%

    NAGBIGAY  ng malaking tulong ang renewable energy (RE) sa 11 porsiyentong taunang pagtalon sa mga inaprubahang pamumuhunan ng Board of Investments (BOI) sa ngayong taong 2022 habang nilalayon nila ang P1 trillion na halaga ng pamumuhunan sa 2023. Ang datos na inilabas ng Department of Trade and Industry (DTI) ay nagpakita na ang BOI-approved investments […]

  • Mga nasawi sa COVID-19 sa China, umakyat na sa 2,233

    Umakyat na sa 2,233 ang bilang ng mga nasawi sa coronavirus sa China as of February 21, matapos maitala ang 115 pang mga nasawi sa Hubei province.   Karamihan sa mga nasawi ay nagmula sa Wuhan, kung saan unang nanggaling ang naturang virus, ayon sa daily update mula health commission Hubei.   Nasa 75,000 na […]