• January 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hihinto ang buong operasyon ng PNR sa December

ANG KABUUANG operasyon ng Philippine National Railways (PNR) ay hihinto sa darating na December upang bigyan daan ang pagtatayo ng North-South Railway Projects (NSRP) ng PNR at Department of Transportation (DOTr).

 

 

 

Ang unang bugso ng konstruksyon ng proyekto ay ang maaapektuhan ay ang kahabaan ng Alabang, Muntinlupa hanggang Calamba sa Laguna ng PNR route.

 

 

 

Noong nakaraang July 2, ang mga pasahero mula Alabang papuntang Calamba ay hindi na naisakay dahil ang available na train trips ay mula Alabang papuntang Binan sa Laguna lamang habang ang Binan papuntang Calamba train trip ay huminto na ng operasyon.

 

 

 

Ayon sa PNR, may 500 na pasahero kada araw ang maaapektuhan ng paghinto ng operasyon ng PNR train.

 

 

 

Sinabi ni PNR chairman Michael Macapagal na inumpisahan nila ang maliit na bahagi dahil tinututukan nila ang magiging response ng publiko. Sa ngayon ay wala pang mga public utility buses (PUBs) ang kanilang pinatatakbo sa apektadong ruta ng PNR. Subalit kung makita nila na madami ang apektado ay magde-deploy sila ng mga emergency buses sa mga nasabing ruta.

 

 

 

Ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ay magbibigay ng karagdagan prangkisa sa mga apektadong ruta upang matulungan ang mga apektadong taong bayan na dati pang sumasakay sa PNR.

 

 

 

“The LTFRB will issue new franchises to the affected routes around Metro Manila as the suspension of operation will start in December after the Christmas season. We will wait for the easing of traffic caused by Christmas season as people will go on shopping for the holiday,” wika ni Macapagal.

 

 

 

Ang NSRP ay gagawin sa loob ng anim na taon. Sinabi ni Macapagal na kanilang tinututukan ang modernization ng train system sa bansa upang magkaron ng mga electric trains na tatakbo mula Clark papuntang Pampanga na dadaan sa Bulacan hanggang Metro Manila at tutuloy hanggang Calamba sa Laguna. Inaasahan ng pamahalaan na ang NSRP ay makakatulong upang magkaron ng isang mayabong at malagong ekonomiya ang bansa.

 

 

 

Magkakaron ng 35 na estasyon ang NSRP na may 51 na bagong electric at commuter trains kasama ang 7 hanggang 8 express trains. Ang mga trains na nabanggit ay at par sa world’s standards.

 

 

 

Sa kabilang dako, ang proyekto ng South Long-Haul o ang PNR Bicol Project ay malapit na rin simulan ang konstruksyon. Ang proyekto ay magsisimula sa Calamba, Laguna hanggang Bicol. Sa ngayon, ang pamahalaan ay nakikipagusap na sa dalawang bansa na interesado na sila ang magtayo ng system.

 

 

 

“Once the agreement is signed between the two countries on a public-private partnership or maybe government-to-government or BOT scheme, the DOTr will issue a bulletin to inform our riding public. We are hoping that by the end of July, everything will be done,” dagdag ni Macapagal. LASACMAR

Other News
  • Mental health ng student, guro malaking hamon ngayong pandemya – DepEd chief

    Malaking hamon para sa Department of Education (DepED) ang pagtitiyak sa mental health ng mga estudyante at guro ngayong pandemya, ayon kay Education Secretary Leonor Briones.   “On the matter of these psychosocial problems which have emerged, so far among K-12 learners, one case has been documented where we can see the relation to COVID. […]

  • Alyssa Valdez matindi ang determinasyong makabalik sa paglalaro

    Matindi ang pagnanais ni Alyssa Valdez na makabalik sa wastong porma sa lalong madaling panahon para makasabak sa 6th Premier Volleyball League (PVL) Open Conference sa February at sa Cambodia 32nd Southeast Asian Games sa May.   Siniguro ng 29-anyos, 5’9’ ang taas na dalagang outside hitter ng Creamline sa kanyang mga tagahanga na ginagawa […]

  • Marcial ingat na magkasakit

    DESIDIDONG makasungkit ni Eumir Felix Marcial ng unang ng gold medal ng Pilipinas sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na inurong lang sa parating na Hulyo 23-Agosto 8 sanhi ng pandemya.     Kaya triple ang pag-iingat niyang ginagawa upang mapanatiling mabuti ang kalusugan at hindi maudlot ang paghahanda sa nasabing pinakamalaking paligsahan […]