Hiling ng DTI na maibaba sa lalong madaling panahon ang quarantine classification sa NCR, masusing pag-aaralan ng IATF sa takdang oras
- Published on August 16, 2021
- by @peoplesbalita
MASUSING pag-aaralan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang hirit ng Department of Trade and Industry (DTI) na maibaba sa lalong madaling panahon ang quarantine classification sa National Capital Region (NCR).
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na pagbabatayan ng IATF sa takdang oras ang mga datos na makukuha mula sa Kalakhang Maynila kung dapat na bang maibaba ang quarantine classification ng NCR.
Nauna na kasing sinabi ni DTI Sec. Ramon Lopez na nais nilang maluwagan na sa lalong madaling panahon ang quarantine status sa NCR.
Ani Sec. Roque, lahat naman ay naghahangad ng mas mababang quarantine classification nang sa gayon ay mas marami pa ang makapagtrabaho.
Subalit, ang desisyon ng IATF ay unahin ang total health protection ng publiko laban sa Delta variant.
Binigyang diin nito na hindi papayagan ng gobyerno na tuluyang magkasakit ang maraming Pilipino at hindi maging handa ang Healthcare system ng bansa para gamutin Ang mga seryoso o kritikal na magkakasakit Ng virus.
Sa kasalukuyan, pinapadami na ng gobyerno ang ICU bed capacity ng bansa upang mapaghandaan ang posibleng pagtaas pa ng kaso ng Covid-19. (Daris Jose)
-
Ukol sa drug war… Mga pasabog ni Digong sa Senado, pinalagan ng Malakanyang
PINALAGAN ng Malakanyang ang mga sinabi ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na nananatiling malaganap pa rin ang krimen sa bansa. Sa kalatas na ipinalabas ni Executive Secretary Lucas Bersamin, sinabi nito na “With due respect to former President Rodrigo Duterte- there is no truth to his statement that crime remains rampant in the […]
-
Japanese National, inaresto sa pagnanakaw
NAKATAKDANG ipa-deport ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Japanese national na wanted ng mga awtoridad sa Tokyo sa kasong theft at robbery. Kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang pugante na si Nagaura Hiroki, 26 na inaresto sa Estrella Avenue sa Bgy. Poblacion, Makati City ng mga operatiba ng BI fugitive search […]
-
PSC program palakasin – Buhain
MAS palakasin ang Philippine Sports Commission (PSC) upang mas maging solido ang kampanya ng pambansang delegasyon sa mga international competitions. Ito ang pananaw ni dating PSC chairman at Southeast Asian Games bemedalled swimmer Eric Buhain na kasalukuyang kinatawan ng Batangas First District sa Kongreso. Nais ni Buhain na mapalawak pa ang […]