Hiling ni PBBM sa mga Boy Scouts ng Pinas, “be positive agents of change”
- Published on December 13, 2023
- by @peoplesbalita
PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang grand opening ng 18th National Scout Jamboree sa Iloilo habang umaasa na ang national scouting event ay makapagbibigay inspirasyon sa mga kabataan ng bansa na maging aktibo at produktibong miyembro ng lipunan.
“To all our beloved scouts: Remember that you are here also to have fun, and to have an adventure, but to learn also about positive agents of change of which you can be part of,” ayon kay Pangulong Marcos sa pagbubukas ng seremonya ng ika-18 National Scout Jamboree sa Passi, Iloilo.
“Make your bodies strong and healthy. Keep your minds keen and ever-conscious. Stand your ground, embody the scout law, and heed the call of duty to God and Country,” dagdag na pahayag ng Pangulo.
“These qualities will make you a good scout – a good scout makes a good citizen, and a good contributor to our goal of building a Bagong Pilipinas,” aniya pa rin.
Sa naturang event, nanumpa ang Pangulo bilang Chief Scout of the Boys Scout of the Philippines.
Ang jamboree na isinagawa sa lalawigan ay itinuturing ng Pangulo na “a very important event.”
Inilarawan nito ang event bilang “mother of all activities” sa buhay ng scout.
Ang national scouting event, idinadaos kada apat na taon, hindi lamang bilang pagpapaalala sa bawat isa na ituloy na importansiya ng scouting, kundi pagpapanatiling matatag ng pamana ng “scouting movement” sa bansa.
“Scouting also plays a vital role in fostering the spirit of camaraderie and leadership among Filipino youth through its unique blend of education, adventure, and fun,” ayon kay Pangulong Marcos.
Sa kabilang dako, tinatayang 35,000 scouts at lider sa buong bansa ang nagpartisipa sa national scouting event may ilang espesyal na panauhin partisipasyon mula sa ibang National Scout Organization mula sa ibang mga bansa dahilan para ito’y maging “biggest national jamboree” sa Pilipinas.
Itinatag matapos ang isang siglo, ang scouting ay naglalayong “to contribute to the empowerment of individuals and their development as active citizens in their local, national, and global communities.
Ang 18th National Scout Jamboree ay naglalayong magbigay ng “progressive, exciting, challenging, safe and enjoyable learning environment for the scouts in order to enhance their full Social, physical, intellectual, character, emotional and spiritual potentials as an active citizen making real contribution in creating a better community.
Ang scouting ngayon ay itinuturing na “leading educational youth movement” ng bansa na may mahigit na 57 milyong Scouts sa mahigit 200 bansa at teritoryo sa buong mundo, mayroon itong aktibidad na nakapagbibigay inspirasyon sa mga kabataang Filipino na maging aktibong mamamayan na nauugnay sa paglikha ng “a better and more sustainable world.”
Ang National Scout Jamboree na tatakbo mula Disyembre 11 hanggang 17 ay mayroong tema na “Youth Engagement: Sustaining Relevance and Strengthening Resilience.” (Daris Jose)
-
KIM at JERALD, manggugulat sa kakaiba at daring roles sa bagong pelikula; hataw pa rin kahit nasa gitna ng pandemya
KAHIT may pandemya, hindi talaga mapipigilan ang paghataw ng #KimJe, dahil ang real-life couple na si Kim Molina at Jerald Napoles ay muling magtatambal sa kanilang pangalawang pelikula ngayong taon, ang Ikaw At Ako At Ang Ending na hatid ng Viva Films. Mula sa kanilang unang successful na team up sa pelikulang Ang […]
-
2 kulong sa baril at patalim sa Caloocan
LAGLAG sa selda ang dalawang lalaki matapos mahuli sa akto na may dalang baril at patalim habang pagala-gala sa lansangan sa Caloocan City. Sa report ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, dakong alas-4:30 ng madaling araw nang maaresto ng mga tauhan ng Police […]
-
Piolo, ipinagdiinang ‘Kapamilya forever’ kaya babalik pa rin
BABALIK pa rin si Piolo Pascual sa Kapamilya network. Nagtanong kasi siya sa head ng ABS-CBN creative communication management na si Ginoong Robert Labayen kung kailan ang shoot ng 2020 Christmas station ID ng ABS-CBN base sa panayam nito sa Kumu talk show ni Miss Charo Santos-Concio na ‘Dear Charo’ nitong Nobyembre 2. […]