• December 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hinaing ng sportsman, businessman ng Rizal (Huling bahagi)

ISANG taon nang nakakulong si Andrew Joshua delos Reyes sa San Mateo Municipal Jail sa San Mateo, Rizal.

 

Ito’y makalipas siyang damputin ng mga pulis na nag-raid sa isang computer shop sa kalapit na village sa lugar na malapit din sa bahay ng kabigan niya.

 

Hindi nadakip ang may ari ng bahay kaya dumampot na lang ng kahit sino at pinalabas nakuhanan ng marijuana ang binata ng mga awtoridad o pulis na sumugod.

 

Napakaimposible para sa pamilya ng medical at sports na kinabibilangan ni Delos na masangkot siya sa bawal na droga.

 

Inantala ng Covid-19 ang hearing ng 20-anyos, may taas na 6-3 na basketbolista at solong anak ni sportsman/businessman at race organizer Adi delos Reyes.

 

Nitong Nobyembre dapat ang unang bista sa kas. Ppero magkakasunod na bagyo ang pumigil at muntik pang malunod si Andrew at ang may 700 kasamahang nakapiit nang bahain ng mga bagyong Rolly at Ulysses ang kulungan. Nalubog lahat sa baha at putik ang mga kagamitan ng nasa piitan dahil malapit sa San Mateo at Marikina river.

 

Mabuti’t nailigtas naman ang mga nasa kulungan sa maagap na pagklilos ni Bureau of Jail Management and Penology San Mateo Warden Joey Doguiles.

 

Nagdonasyon na ng 100 sleeping mats ang ama ni Andrew. Pero kulang pa.

 

Sana makamit ng pamilya Delos Reyes ang hustisya at lumitaw ang katotohanan na mabit si Joshua na hindi naman talaga sangkot sa anumang bawal na gamut.

 

Dalangin ng OD na matapos na ang paghihirap ni Adi at kabiyak para sa kanilang nag-iisang anak. (REC)

Other News
  • KRIS, pinasaya nang husto si JOSH sa bonggang birthday gift nila ni BIMBY

    NAG-POST si Queen of All Media Kris Aquino ng heartfelt message para sa kanyang panganay na si Joshua Aquino na nag-celebrate ng 26th birthday kahapon, June 4.     Sa kanyang IG at Facebook post na kung saan ibinahagi rin niya ang isang video sa outreach program bilang selebrasyon na kung saan namigay siya ng […]

  • DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 44)

    NAGULAT  si Bela nang makita si Jeff mula sa pagsilip niya sa bintana.   “A-anong ginagawa mo rito?” tanong niya rito na hawak pa rin ang cellphone.   “Huwag ka ngang maraming tanong diyan, lumabas ka na lang.” sabay off ni Jeff ng cellphone.   Ayaw ni Bela na makita ng mga magulang niya ang […]

  • PBBM, inaprubahan ang pilot testing ng Food stamp program ng gobyerno

    INAPRUBAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pilot testing ng food stamp program ng gobyerno na nakalaan para sa isang milyong mahihirap na pamilyang Filipino bilang bahagi ng paglaban ng administrasyon sa kahirapan, malnutrisyon at pagkagutom.        “The President approved the run of the pilot, which is fully funded through grants – […]