Hinaing ng sportsman, businessman ng Rizal (Unang bahagi)
- Published on January 9, 2021
- by @peoplesbalita
MATAGAL-TAGAL na ring kilala ng TP si Adi delos Reyes.
Isang mahusay na race organizer sa ilalim ng kumpanya niyang Eventologist Compnay na nakabase sa Metro Manila.
Maginoo, mahinahon, mabait, marunong makisama. Kaya hindi ko mapahindian ang paghingi niya ng tulong sa isa naming pag-uusap sa FaceBook messenger kamakailan.
Pero bago siya naging mahusay na race organizer/director (road, vertical at trail), minsan siyang naging top salesman ng Rubberworld, Adidas at Accel.
Siya rin ang nasa likod ng sports brand na Champion at nakapagdaos na rin ng vertical runs at 3×3 basketball event.
Noong Enero 2020, nagbasketbol ang nag-iisang 20-anyos na anak niyang lalaki na si Andrew Joshua delos Reyes sa kalapit na village nila sa San Mateo, Rizal at nagpalipas ng gabi sa pagbi-video games sa isang lugar na malapit sa bahay ng kaibigan at kalaro sa basketbol.
Ni-raid ng mga pulis ang bahay, naghahanap ng droga, hindi natiyempuhan ang may ari ng bahay nang mga sandaling iyon.
Mga dismayado, umaresto na lang ang mga awtoridad ng kahit na sino, kabilang si Andrew Joshua at dinala’t kinulong sa San Mateo jail.
Gulantang ang pamilya ni Adi, kinasuhan pa ang anak ng pag-iingat umano ng kalahating kilo ng marijuana nang walang basehan.
Maraming sablay sa police blotter na hindi maipaliwanag sa pamilya Delos Reyes.
“Lumaki ang ang anak ko sa sports at medical family. Maraming mali sa police report na hindi nila maipaliwanag,” hinaing ni Adi.
Sana masilip po ito ng mga nakatataas diyan sa bayan o lalawigan.
Dalangin ng OD na makuha ni Adi ang katarungan para sa kanyang anak.
Isa lang ito sa nakakalungkot na gawain ng ilang pulis, (REC)
-
Barko ng Pinas, tinira ng tubig ng China Coast Guard
TINIRA ng water cannon ng Chinese Coast Guard ang barko ng Philippine Coast Guard (PCG) na patungong Ayungin Shoal para maghatid ng suplay sa BRP Sierra Madre, nitong Sabado. Ayon kay PCG spokesperson for the West Philippine Sea, CG Commodore Jay Tarriela, nag-escort ang PCG ng mga barko na maghahatid ng pagkain, tubig, […]
-
Ads August 23, 2023
-
Sec. Roque, agad nagbigay linaw sa anunsyong ‘special working holidays’ ang Nov 2, Dec 24 at 31
NILINAW ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang kanyang sinabi na malabong irekonsidera at bawiin ng Malakanyang ang anunsyong ‘special working holidays’ ang November 2, December 24 at 31 dahil “isang taon na tayong nakabakasyon”. “Alam nyo po, ang konteksto nito, ‘yung karagdagang araw na pinagpapatrabaho tayo, kasama na po ‘yung bisperas ng Pasko, bisperas […]