• March 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hinanda na ang sarili sakaling matalo: STELL, inaming ‘di inasahan na mananalo ang ‘Vocalmyx’

INAMIN ni Stell Ajero na hindi niya inasahan na mananalo ang Vocalmyx, ang 8-member acapella group from Cagayan de Oro na kanyang na-coach sa ‘The Voice Generations Philippines’.

 

 

 

Ayon kay Coach Stell, hinanda na raw niya ang sarili niya kung sakaling hindi manalo ang Vocalmyx.

 

 

 

“Nung tinawag ‘yung Vocalmyx, nag-flashback lahat ng mga pagdududa ko sa sarili ko, pagdududa ko sa buong journey ko sa The Voice, even ‘yung journey ko as SB19.

 

 

 

“Parang, ‘Talaga? Nangyayari ‘to? Parang, ‘Deserve ko ba ‘to?’ Parang pumasok ‘yun sa isip ko.

 

 

 

“One thing for sure po is super happy po ng puso ko and super excited po ako and looking forward for the next projects and next season ng The Voice if ever po magkakaroon.”

 

 

 

Naging winning piece ng Vocalmyx ay ang song na “Into The Unknown” mula sa Disney animated film na ‘Frozen 2’. Napanalunan nila ay P1 million at recording and management contract with Universal Music Group.

 

 

 

Tinalo ng acapella group ang Sorority ni Chito Miranda, P3 ni Billy Crawford ar Music and Me ni Julie Anne San Jose.

 

 

 

***

 

 

ANG pelikulang ‘Barbie’ at ang drama series na ‘Succession’ ang nakakuha ng pinakamaraming nominations sa 81st Golden Globe Awards na magaganap on January 7 on CBS.

 

 

 

Nakakuha ng 9 nominations ang ‘Barbie’ at nasundan ito ng ‘Oppenheimer’ with eight. ‘Killers of the Flower Moon’ and ‘Poor Things’ both earned seven nominations.

 

 

 

Ang final season ng ‘Succession’ ng HBO ay nakakuha ng 9 nominations. Nakalimang nominations naman ang ‘The Bear’ and ‘Only Murders in the Building’.

 

 

 

***

 

 

 

KINASAL na ang Filipino-American Hollywood star na si Vanessa Hudgens sa fiance niyang professional baseball player na si Cole Tucker sa isang destination wedding last December 2 sa Azulik City of Arts in Tulum, Mexico

 

 

 

“Finding a venue was the hardest part. I knew I didn’t want to do it at a beach, at a ballroom, or at a barn—these were all things I didn’t want. Instead, I wanted to be surrounded by nature, greenery, and foliage,” sey ng 34-year old star ng High School Musical.

 

 

 

Kaibigan ni Vanessa ang nag-suggest ng Azulik Hotel sa Mexico at namangha ito sa location na perfect sa wedding nila ni Cole: “I knew that it was our place. I felt like I was transported to some kind of utopia, unlike anything I had ever been to before. It was whimsical and magical, and I just fell in love.”

 

 

 

Suot na wedding dress ni Vanessa na light ivory chartreuse bias-cut cowl-neck slip dress with a plunging back ay gawa ni Vera Wang. Si Cole naman ay suot na wedding suit na off-white double-breasted peak-lapel wool jacket with tan linen-and-wool trousers and a white cotton formal dress shirt ay gawa ng Me by Canali

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Expansion ng PGH, itinulak ni Bong Go

    ISINULONG ni Senator Christopher “Bong” Go, chair ng Senate committee on health and demography, ang legislative bill na naglalayong dagdagan ang bed capacity ng Philippine General Hospital (PGH).     Mula sa kasalukuyang 1,500 beds nais ni Go na gawing 2,200 bed capacity ang PGH bilang bahagi ng ang kanyang layunin na palakasin ang imprastraktura […]

  • Jeremy Lin pipirma sa Warriors G League team para sa NBA comeback bid

    Nakatakdang pumirma sa isang deal ang dating NBA player na si Jeremy Lin sa Golden State Warriors G League team na Santa Cruz Warriors.   Gagawin ang 2021 G League season sa Disney World bubble sa Orlando, kung saan ang opening ay inasahan sa unang bahagi ng February.   Magtatapos ang playoffs nito sa buwan […]

  • DOH naglinaw: ‘Walking pneumonia’ cases ng Pilipinas magaling na

    NILINAW ng Department of Health (DOH) na nag-“recover” na ang mga kaso ng walking pneumonia sa Pilipinas, bagay na pinangangambahan ngayon ng publiko.     Miyerkules lang kasi nang kumpirmahin ng kagawarang umabot na sa apat na kaso ng Mycoplasma pneumoniae infection o “walking pneumonia” ang naitatala sa bansa magmula pa Nobyembre.     “[T]he […]