• May 20, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hinay-hinay sa mga pahayag sa COVID-19 situation

Umapela kahapon ang Department of Health (DOH) sa mga ‘independent experts’ na magdahan-dahan sa pagpapalabas ng mga pahayag ukol sa sitwasyon ng bansa sa COVID-19 pandemic kasunod ng paglilinaw na wala pang nangyayaring bagong ‘surge’ sa Metro Manila.

 

 

Kasunod ito ng pahayag ng OCTA Research Group na nag-umpisa na ang bagong COVID-19 surge sa Metro Manila dahil sa biglaang pagtaas muli ng reproduction number sa 1.33 ngayong Hulyo mula sa 0.6 noong Hunyo.

 

 

Aminado ang DOH na may pagtaas sa mga kaso ngunit hindi pa umano matatawag ito na ‘surge’.  Base sa pagsusuri ng DOH Epidemiology Bureau, nakapagtala ng 19% sa ‘two-week growth rates (TWGR)’ at ‘average daily attack rate (ADAR) sa anim na kaso kada 100,000 populasyon na nasa ‘moderate risk’ pa umano.

 

 

“Makati, Las Piñas, Pasay, Pasig, Taguig, Parañaque, Manila, Valenzuela, Navotas, Marikina, and Caloocan all have positive TWGR – a trend reversal from negative two-week growth rates 3-4 weeks ago. Additionally, Makati, Las Piñas, and Pasay have high risk ADAR,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

 

 

Sa buong bansa, nananatiling mababa pa rin naman ang ‘utilization rate’ sa mga health care at intensive care sa mga pagamutan.

 

 

Muling nanawagan ang opisyal sa publiko na mahigpit na sumunod sa ‘minimum health standards’ dahil kung hindi ay malaki ang posibilidad na umakyat sa 11,000 kaso kada araw ang maitatala sa Metro Manila sa katapusan ng Setyembre dahil sa sinasabing 60% mas nakakahawa ang Delta variant.

Other News
  • 5M plastic cards, inaasahang maipapasakamay sa DOTR bago matapos ang 2023

    INAASAHANG maipapasakamay sa Land Transportation Office ang hanggang limang milyong plastic cards para sa driver’s license ng mga motorista, bago matapos ang kasalukuyang taon.     Ayon kay Land Transportation Office Chief Vigor Mendoza II, inaasahan ang delivery ng mga nasabing plastic cards, sa pamamagitan ng 500,000 cards o higit pa, bawat buwan.     […]

  • Dizon, hiniling sa mga incumbent DOTr usec, asec, directors na magbitiw sa puwesto

    ISANG malawakang balasahan ang nagbabadyang maganap sa Department of Transportation (DOTr) matapos hilingin ni (DOTr) Secretary Vince Dizon sa lahat ng mga incumbent officials ng departamento na magsumite ng kanilang courtesy resignations.   Sa isang memorandum na may petsang Pebrero 24, 2025, ipinag-utos Dizon sa mga incumbent undersecretaries, assistant secretaries, at directors na magsumite ng kanilang […]

  • Pacquiao nasa US na, 6-weeks training nalalabi bago ang big fight vs Spence

    Dumating na kanina si Sen. Manny Pacquiao sa Estado Unidos para simulan ang puspusang training bilang paghahanda sa nalalapit na laban kontra sa kampeon na si Errol Spence sa Agosto 21.     Una rito, bumalik noong Sabado ang eroplanong sinakyan ni Pacquiao dahil sa medical emergency ng isang pasahero kaya lumipat sila ng ibang […]