Hinay-hinay sa pagbaba sa ‘lockdown status’ ng Metro Manila
- Published on June 29, 2021
- by @peoplesbalita
Nais ni Department of Health (DOH) at treatment czar Dr. Leopoldo Vega na maghinay-hinay ang pamahalaan sa pagbababa ng ‘lockdown status’ ng Metro Manila dahil sa napapaulat ngayon na mas mapanganib at nakakahawang variants ng COVID-19.
“Wala pa tayo sa out of the woods. Hindi pa tayo nakakalabas kasi gradual decrease natin kasi dahan dahan pang bumababa. At saka may variant of concern, ‘yung sinasabi nilang Delta variant,” ayon kay Vega.
Kasalukuyang nasa general community quarantine with restriction’ ang Metro Manila kasama ang Bulacan. Ang pinakamababang istatus ay ang modified general community quarantine (MGCQ).
Kailangang hindi mahuli ng ‘off-guard’ ang pamahalaan sa kabila ng pagtiyak niya na hindi pa kumakalat sa ‘local setting’ ang naturang variant.
Patunay nito ang pagkakaroon na ng bansa ng 17 kaso ng Delta variant na karamihan ay mga manlalakbay at bagong dating sa Pilipinas.
Sa kabila naman ng pagbaba ng mga kaso sa National Capital Region (NCR) sa mga nakalipas na linggo, hindi pa naman umano masasabi na talagang wala na lalo na at nagkakaroon ng surge sa ilang mga lugar sa Visayas at Mindanao.
Sa unang ulat ng OCTA Research, kabilang ang mga siyudad ng Davao, Bacolod, Iloilo, Cagayan de Oro at Tacloban ang nakitaan ng malaking pagtaas sa mga kaso. Habang sa Metro Manila, bumaba ng 700 ang average na kaso kada araw mula Hunyo 15-21. (Daris Jose)
-
PAOLO, dinipensahan ang sarili sa nag-i-insist na higit three days sa Baguio City; may hamon sa mga nagpa-picture
DAHIL nga sa “as a friend” na statement ni Paolo Contis, sa kabila na si LJ Reyes ay mukhang ginagawa ang mga puwedeng ways para makapag-moving on siya sa New York, hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin ang isyu nila. Kasama ang mga memes ng ‘as a friend’ at ang pag-i-insist ng mga […]
-
8 sa 15 preso pumuga sa Caloocan detention facility, nahuli na
NASAKOTE na sa manhunt operation ng pulisya ang anim sa 15 persons Under police custody (PUPC) na pumuga sa kanilang temporary detention facility sa Caloocan City, Huwebes ng madaling araw. Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Dario Menor, 15 PUPCs ang tumakas bandang ala-1:50 ng madaling araw sa pamamagitan ng maliit na butas na […]
-
LTO, mahaharap sa P1.27-B disallowance na may kinalaman sa online portal system project- COA
IPINAG-UTOS ng Commission on Audit (COA) sa Land Transportation Office (LTO) na tugunan ang audit findings kaugnay sa proyekto nito kasama ang Dermalog o mahaharap ito sa disallowance of payments na nagkakahalaga ng P1.27 billion. Ang Dermalog – isang German information technology contractor – ang nasa likod ng online portal Land Transportation Management System (LTMS) ng […]