Hindi dapat maging bastos at walang galang dahil lamang sa usapin ng pinagtatalunang WPS
- Published on May 6, 2021
- by @peoplesbalita
SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi dapat maging bastos at walang galang ang mga Filipino dahil lamang sa ‘overlapping claims’ ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea (WPS).
Ang pahayag na ito ni Pangulong Duterte ay matapos magpalabas ng matatapang na salita ang kanyang mag alter ego na sina Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. at Defense Secretary Delfin Lorenzana, kaugnay sa patuloy na pananatili ng Chinese ships sa WPS.
“China remains to be our benefactor and just because, if I may just add something to the narrative, just because we have a conflict with China does not mean to say we have to be rude and disrespectful,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk To The People, Lunes ng gabi.
“As a matter of fact we have many things to thank China for in the past and itong tulong nila ngayon,” dagdag na pahayag nito.
Matatandaang, sa nagdaang Talk To The People ni Pangulong Duterte ay sinabi nito na Isang mabuting kaibigan ang China.
Pinanindigan din ng Chief Executive na hindi makikipaggiyera ang Pilipinas sa China dahil lamang sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.
Aminado si Pangulong Duterte na malaki ang utang na loob ng bansa sa China dahil sa mga donasyon nilang COVID-19 vaccines para sa mga Pilipino.
Iginiit ng Pangulo na hindi gagamit ng dahas ang bansa para ipaglaban ang ating teritoryo.
Hindi niya ipapadala ang mga sundalo sa giyerang hindi mananalo ang bansa.
Binigyang diin pa ng Pangulo na hawak na ng China ang lugar mula nang umatras ang Pilipinas noong nakaraang administrasyon.
Gayumpaman, umaasa si Pangulong Duterte na maiintindihan ng China ang katayuan ng Pilipinas sa West Philippine Sea. (Daris Jose)
-
“Melor Robbery Gang”, nalansag ng Valenzuela police
NALANSAG ng mga awtoridad ang isang ‘Criminal Gang’ na responsable umano sa mga pagnanakaw sa iba-ibang lugar sa Valenzuela City matapos ang pagkakaaresto sa pinuno at mga miyembro nito. Sa ulat ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban kay Northern Police District (NPD) OIC Director P/Col. Josefino Ligan, alas-3:15 ng madaling araw nang maaresto […]
-
Kinumpara ang kaakit-akit na ganda sa alak: DERRICK, ‘di nakapagtatakang mahumaling sa morena beauty ni ELLE
HINDI nakapagtatakang mahumaling si Derrick Monasterio sa morena beauty ni Elle Villanueva habang ginagawa nila ang mga maiinit na eksena sa teleserye na ‘Return To Paradise.’ Kinumpara ng Kapuso hunk ang kaakit-akit na ganda ni Elle sa alak: “Si Elle para siyang wine. ‘Yung habang tumatagal lalong gumaganda. Ganoon siya eh, ang dami kong […]
-
4-DAY WORK WEEK
PATULOY sa pagdami ang infected ng COVID-19 dahilan kaya isinailalim na sa ngayon ang community quarantine sa buong Metro Manila base na rin rekomendasyon ng Department of Health kay Pangulong Rodrigo Duterte. Hindi ginamit ang salitang lockdown dahil maaaring maging sanhi ito ng mas matinding panic sa publiko, wala rin aniyang gulo na nangyayari […]