• January 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hindi kasarian ang susi sa tagumpay – Magno

MAGANDANG inspirasyon para sa kababaihan ang HUGOT ni 32nd Summer Olympic Games 2021 Tokyo-bound boxer Irish Magno.

 

Sinalaysay nitong isang araw lang ng boksingera ang “Tungo sa Ginto” ng MVP Sports Foundation na hindi aniya ang kasarian ng isang tao upang maabot ang mga pangarap o tagumpay.

 

“Ang importante kung may pangarap ka, maaabot mo ‘yan basta meron kang – ‘yung sinasabi sa amin ni coach na disiplina, sipag, tiyaga, determinasyon at higit sa lahat tiwala sa Maykapal. Matutupad mo lahat ‘yun,” giit ng 29 taong-gulang, 5- 2 na taas na dalagang Ilongga.

 

Hinirit pa niya sa social media account niya, “Wala ‘yon sa kasarian. Yung sinasabi namin, kung ano man ‘yung kaya ng lalaki, kaya din naming mga babae.” (REC)

Other News
  • Pangako nina PBBM, Vietnamese PM, palalawakin ang ugnayan sa agrikultura

    KAPWA sinang-ayunan nina Pangulong  Ferdinand  Marcos Jr. at Vietnamese Prime Minister Pham Minh Chinh na palawakin ang kanilang kooperasyon pagdating sa usapin ng agrikultura.     Sa idinaos na bilateral meeting sa Indonesia, kapuwa rin nangako ang dalawang bansa na palakasin ang  kanilang partnership pagdating sa usapin ng kalakalan at pamumuhunan, turismo at maging sa […]

  • 2 welder na ‘tulak’ laglag sa P340K droga sa Caloocan

    DALAWANG welder na kapwa umano sangkot sa pagtutulak ng illegal na droga ang timbog sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City, Miyerkules ng madaling araw.     Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang mga naarestong suspek na sina alyas “Mata” at alyas “Buyong”, kapwa residente ng lungsod.     […]

  • 5 sabungero arestado sa tupada

    LIMANG indibidwal ang arestado matapos maaktuhan ng pulisya na nagsasabong sa isang ilegal na tupada sa Valenzuela city, kamakalawa ng hapon.   Ayon kay Valenzuela police chief P/Col. Fernando Ortega, nakatanggap ang mga operatiba ng Station Intelligence Branch (SIB) ng isang text message mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO) tactical operation command hinggil […]