• April 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hindi matandaan kung kailan siya nabiktima ng fake news: JODI, willing dumalo sa hearing ng Congress kung may maitutulong

PARTE ng kuwento ng horror film na “Untold” ang tungkol sa fake news.

Bida rito si Jodi Sta. Maria.
At tungkol pa rin sa fake news, ginagawaan ng paraan ng kongreso kung paano matitigil asng patuloy at mabilis na pagkalat ng fake news.
Sa mga nagaganap ngang hearing ay nag-iimbita ang Congress ng mga celebrities upang makilahok sa pagdinig dito, lalo na ang mga naging biktima ng fake news.
Kung sakaling imbitahin si Jodi, dadalo ba siya?
Lahad niya, “Kung ano siguro ang maitutulong ko, kung sa palagay nila importante yung boses ko at yung sasabihin ko, bakit naman hindi?
“Kasi it’s really for, for ano naman ito, for the Philippines. Para rin naman ito sa mga kababayan natin.
“Tulad nga ng sinabi ko kanina, wala namang taong nabubuhay para sa sarili lamang. Lahat tayo, may responsibilidad tayo sa isa’t isa.”
Hindi matandaan ni Jodi kung kailan siya nabiktima ng fake news.
“Bihira kasi ako tumambay sa internet. It’s actually parang may friends na magme-message sa akin, mag-viber na, ‘Okay, lumabas ito. Is this true?’ ganyan-ganyan.
“Ang gagawin ko kapag may mga ganyang klaseng news, babasahin ko siya, and I would tell, let’s say that person, whoever sent it to me, whether it’s true or not.
“But then, I mean para ma-affect ka talaga on a deep level? I tried to somehow manage my emotions, especially kapag may mga sinasabi sa iyong below the belt.
“Pero ang pinakaimportante sa akin is yung paano kung nalagay doon sa isang site ang story and walang kakayanan na i-explain yung sarili niya, maipagtanggol yung sarili niya?
“Ang pinag-land-an nung sabihin nating fake news na yun ay hindi man lang magpa-fact check [o] gagawin yung diligence niya o magbe-verify?
“So madali silang mabibiktima nung mga bagay na hindi totoo at madali silang mapapaniwala.
Samantala, mula sa Regal Entertainment, nasa “Untold” rin sina Ms. Gloria Diaz, Joem Bascon, Lianne Valentin, Sarah Edwards at Juan Karlos.
Supervising producer ng “Untold” si Manny Valera with executive producers Roselle Monteverde & Keith Monteverde.
Rated R13 without cuts at ipapalabas sa mga sienhan sa April 30, sa direksyon ni Derick Cabrido.
 
 
(ROMMEL L. GONZALES)
Other News
  • Sa kabila ng nangyaring hiwalayan: SUNSHINE, nagpakatotoo sa pagsasabing mahal pa rin niya ang asawa

    NAGPAKATOTOO lamang si Sunshine Dizon sa pagsasabing mahal pa rin niya ang mister niyang si Timothy Tan sa kabila ng nangyaring hiwalayan nila.   Sa episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Lunes, sinagot ni Sunshine ang mga tanong tungkol sa hiwalayan nila ni Timothy, at kung mahal pa niya ito.   “To be […]

  • Julie Anne, tuwang-tuwa sa magandang opportunity na dumating

    MASAYA ang fans ni Julie Anne San Jose dahil napili ang Kapuso singer and TV host na umawit ng theme song ng Netflix animated film na Over The Moon.   Ang Netflix Philippines mismo ang nag-announce na si Julie ang umawit ng “Rocket to the Moon” ang theme song cover ng Over The Moon at […]

  • Lalaking wanted sa pagnanakaw at pananaksak sa estudyante, binitbit

    DINAMPOT  ng pulisya ang isang lalaking wanted sa pagnanakaw at pananaksak sa isang 17-anyos na estudyante noong nakaraang taon sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.     Sinilbihan ng mga operatiba ng District Special Operation Unit ng Northern Police District (DSOU-NPD) sa pangunguna ni PCAPT Melito Pabon ng warrant of arrest na inisyu ni Malabon […]