Hindi na kasi binabanggit ang pangalan sa mga campaign rally… PCO Usec.Castro, clueless kung ano ang magiging plano ni PBBM sa kanyang kapatid na si Imee Marcos
- Published on March 26, 2025
- by @peoplesbalita
CLUELESS si Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro kung ano ang magiging plano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang kapatid na si Senador Imee Marcos na orihinal na kasama sa 12 senatorial bet sa ilalim ng partidong Alyansa Para sa Bagong Pilipinas.
Sinabi ni Castro sa press briefing sa Malakanyang na mas magandang malaman ang detalye nito mula kay Alyansa campaign manager at Navotas Congressman Toby Tiangco.
At nang tanungin kung may pagkakataon na nag-usap na ang magkapatid na Marcos, sinabi ni Castro na “Ayon din po kay Senator Imee ay hindi pa po siya nakikipag-usap kay Pangulo. So, as of the moment, as of this time, as we speak, wala pa po tayong alam na nakapag-usap na po sila.”
Sa ulat, inamin ni Senador Imee Marcos na matagal na silang walang komunikasyon ng kanyang kapatid na si Pangulong Bongbong Marcos.
“Hindi na kami nag-uusap, matagal na,” sabi ng senadora.
Aniya, tanging sa mga pampublikong pagtitipon na lamang sila nagkakaroon ng pagkakataon na mag-usap.
“Maraming nakapaligid sa kanya na humaharang sa aming mag-usap,” paglilinaw pa ni Senador Imee.
Nilinaw din niyang wala siyang sama ng loob sa hindi pagbabanggit ni PBBM sa kanyang pangalan sa Alyansa rally sa Cavite kamakailan.
“Ayos lang sa akin. Wala namang problema doon. Okay lang dahil nakatutok ako sa pagsisiyasat ng pagkuha kay FPRRD sa Pilipinas patungong the Hague,” dagdag niya.
Sa kanyang talumpati kamakalawa, 11 na lamang ang binanggit ng Pangulo sa halip na 12 na bilang ng mga tumatakbong kandidato sa pagka-senador ng Alyansa. (Daris Jose)
-
P.4M droga, nasamsam sa 2 high-value individuals sa Caloocan
MAHIGIT P.4 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang high-value individuals (HVIs) matapos maaresto sa ikinasang buy bust operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Nakatanggap ang mga operatiba ng Northern Police District – District Drug Enforcement Unit (NPD-DDEU) hinggil sa umano’y iligal drug activities nina alyas “Pade”, 58, […]
-
PBBM, tinitingnan ang ‘self-regenerating’ pension plans para sa AFP, PNP
HANGAD ng pamahalaan na bumuo at magpalabas ng “self-regenerating” pension plans para sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP). Isiniwalat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang plano niyang itong sa sidelines ng inagurasyon ng 160-megawatt wind farm sa Pagudpud, Ilocos Norte. “We are still in […]
-
‘Mananambal’ topbills by National Artist Nora Aunor, a testament to the rich heritage and artistry of Filipino cinema
NATIONAL Artist for Film and Broadcast Arts Nora Aunor topbills ‘Mananambal,’ a riveting new horror masterpiece from director Adolf Alix, Jr., which also stars versatile young actress Bianca Umali. Set in Siquijor, ‘Mananambal’ follows a group of ambitious content creators who journey to Sitio Cambugahay in search of Lucia (Aunor), the “mananambal” whose extraordinary healing powers have recently gone […]