• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hindi nabayarang P59.6-billion hospital claims ng Philhealth, pinasisilip

PINASISILIP  ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez sa Kamara ang hospital reimbursement claims na nagkakahalaga ng P59.6 billion na hindi nabayaran ng Philhealth.

Nakapaloob ito sa inihain niyang Resolution No. 2173.

 

“These non-payments of claims have resulted in the partial closure of some medical services of hospitals, and in some cases the full closure of hospitals,” ani Rodriguez.

 

Dagdag pa aniya ang mga manggagawa na nawalan ng trabaho dala na rin sa partial o full closure ng mga ospitals.

 

Sinabi pa ng mambabatas na importante na mabusisi ito ng Kamara upang makahanap ng paraan kung papaano matutulungan ang mga naturang ospital at mabayaran sila ng Philhealth.

 

Ang bigong pagbabayad o reimbursement ng Philhealth sa mga ospital nitong nakalipas na pitong taon ay nabunyag sa isinagawang pagdinig ng House Committee on Health.

 

Sinabi nito na ang mga claims na na-deny o ibinalik sa mga ospital ay dahil sa “for correction.”

 

Inimpormahan ng Philhealth ang mga mambabatas na nitong 2024 ay nasa 483,000 ang denied claims na nagkakahalaga ng P4.7 billion; habang mula 2018 hanggang 2023, ay nasa 3milyong claims na nasa-total na P32.4 billion ang na-reject.

 

Iniulat ng Department of Health na karamiihan sa mga natanggihang claims ay dahil sa kabiguan ng mga ospital na mai-file ito sa loob ng 60 araw na isinasaad sa batas. (Vina de Guzman)

Other News
  • SRA officials sa pag-angkat ng asukal, pinagbibitiw lahat

    PINAGBIBITIW  ni Se­nate President Juan Miguel Zubiri ang mga opisyal ng Sugar Regulatory ­Administration (SRA) na sangkot sa pagpirma sa illigal na importation order para sa may 300,000 me­trikong tolenada ng asukal.     Ayon kay Zubiri, kung mayroong delicadeza ang mga taga SRA ay dapat mag-resign na sila lalo at laman sila ng lahat […]

  • PBBM, hinikayat ang publiko na magpartisipa sa traffic summit

    INIMBITAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang publiko na makilahok sa nalalapit na traffic summit at sumali sa talakayan sa paghahanda ng paraan para mapabuti ang sitwasyon sa trapiko.     Sa kanyang YouTube vlog, sinabi ni Pangulong Marcos na habang ang long-term infrastructure projects ay isinasagawa, patuloy pa ring naghahanap ang gobyerno ng […]

  • Kinuwestiyon ang katapatan ni Lacson sa gitna ng Senate probe

    INAKUSAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Commission on Audit (COA) na nakagawa ng bribery at falsification of documents kasabay ng pagkastigo niya sa komisyon dahil sa pagpapalathala at pagsasapubliko ng paggasta ng mga ahensiya ng pamahalaan.   Kinuwestiyon ng Pangulo ang nagpapatuloy na Senate investigation ukol sa P67-billion deficient spending ng Department of Health […]