• September 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hindi pinangarap na maging sikat na sikat: JUDY ANN, inaming nawalan ng gana sa buhay kaya nagrebelde

PARA sa ika-100 episode ng ‘Fast Talk with Boy Abunda’ kahapon, Martes, espesyal ang naging bisita ni King of Talk Boy Abunda.

 

Ang multi-awarded actress na si Judy Ann Santos nga ang nakasama ni Kuya Boy para sa isang heart-to-heart talk.

 

Naging emosyonal ang premyadong TV host sa pagpapakilala sa tinaguriang Soap Opera Queen at isa sa most brilliant actor sa industriya.

 

“She doesn’t to be here. Wala naman ho siyang pino-promote at malayo ang kanyang bahay. Naglakbay po ito para lang makasama natin dahil espesyal para akin ang araw na ito,” pahayag ni Kuya Boy.

 

Dagdag pa niya, “para sa akin, narito siya ngayong araw, because she isa a friend. At ang nabubuhay po ng aming munting palabas ay mga kaibigan.”

 

Isang mahigpit na yakap ang binigay ni Juday kay Kuya Boy, sabay sabing, “hindi naman ako ready sa emosyon na ‘yun.”

 

Nagpapasalamat nga si Kuya Boy na kitang-kita ang kaligayahan, na isang tawag lang ay pumayag agad ang aktres, at say ng aktres, “you’re welcome Tito Boy, you don’t have to say thank you.”

 

Binalikan nga ni Judy Ann na nagsimula siya sa industriya sa murang edad na walo.

 

 

“It all started with commercials. Si Kuya (Jeffrey Santos) naman talaga ‘yung talagang kinukuha, sumasabit lang ako,” nangingiting pahayag niya.

 

 

“Siya talaga ang hinahanap ng mga agent. Siya talaga ‘yung kinuha ng Regal Films at ako, mahilig akong sumama sa kanya. And then nakasama na ko sa commercial, sa mga bata, bilang pamparami.”

 

 

Inamin ni Juday na wala sa isip niya ang mag-artista at sumikat.

 

 

Ang gusto lang niya ay, “I just wanted to buy a Mighty Kid rubber shoes.

 

 

“Gusto ko lang bumili ng rubber shoes, at magkaroon ng bank account. Totoo rin naman, na gusto kong makita ang sarili ko sa TV pero hindi nakaplano ever ‘yung maging sikat.

 

 

“Hindi ko talaga inisip or naging pinangarap na gusto kong maging sikat na sikat na artista.”

 

 

Dagdag pa ng asawa ni Ryan Agoncillo, “pero ang pangarap na natatandaan ko mula noon hanggang ngayon, ay gusto kong makabili ng bahay.

 

 

“Gusto kong makabili ng sasakyan, gusto kong makapag-aral. ‘Yun lang ang alam kong gusto ko.

 

 

“Pero apart from that, siguro kaya ako nag dire-diretso kasi nag-e-enjoy ako sa nangyayari sa akin, sa experiences ko. Marami akong taong nakikilala. Marami akong kalarong iba’t-ibang bata sa set.

 

 

“Normal naman ang childhood ko, but in a different way.”

 

 

Masasabi niyang lahat ng pangarap niya ay natupad at nadagdag pa na hindi inaasahan.

 

 

“Hindi talaga ako nagpa-plano Tito Boy, ever since, kahit noong bata pa ako,” sambit niya.

 

 

“Isa pang plinano ko, gusto kong magkaanak at 26. Yung lang, hindi ako nagplano ng kahit ano. Ang gusto ko lang naman noon, gusto ko may makakasama ako, na alam kong hindi ako iiwan. At nangyari naman yun noong 26 na ako.”

 

 

Isa nga naging highlights ng showbiz career ni Juday ay nang magbida siya sa ABS-CBN drama series na “Mara Clara” kung saan nakasama niya ang kaibigan pa rin hanggang ngayon na premyadong aktres din na si Gladys Reyes.

 

 

Hindi talaga nila in-expect na maghi-hit ito sa patay na oras, hanggang sa nagsunud-sunod na ang pagdating ng film projects mula sa Regal Films at iba pang film outfits.

 

 

“Dumating ako sa point Tito Boy that I was doing three movies in one year, and two shows in one year, all at the same time” pagbabalik-tanaw ng aktres.

 

 

“Dumarating ako sa set na kinailangan ko nang tanungin yung team ko. ‘Sino nga ako dito? Sino ang direktor natin?’ Nawawala na ako sa sarili ko, and then slowly, nawawalan na ako gana sa buhay.”

 

 

Inamin niya na nalulungkot na siya at nararamdaman daw niya na wala siyang maituring na tunay na kaibigan at parang nandun lang sila dahil siya si ‘Judy Ann Santos’.

 

 

Kaya diretsong tanong sa kanya ni Tito Boy, “Nagrebelde ka?”

 

 

Na sinagot ni Judy Ann ng, “Yes.”

 

 

“Para sa sarili ko, sa pagkakataong ito, pwede kong sabihing yung pagsimula ko nu’ng teenage years ko na umiinom ako, lumalabas ako at naglalasing ako, I think yun yung rebellious point ko, na talagang, pakawala ako.

 

 

“At that time lang, walang social media, walang pruweba, walang ebidensya. Pero hindi ako nagwawala sa hindi ko bahay, o hindi pribadong lugar.

 

 

“Hangga’t maaari, hindi talaga ko pupunta sa isang inuman na masama ang loob ko na alam ko ang gusto ko gawing ngayong gabi e magwala,” sabi niya.

 

 

Dagdag pa niya, “Ina-allow ko yung sarili ko na kailangan kong pakawalan ‘tong galit na ‘to, kailangang pakawalan ‘tong frustration na ‘to.

 

 

“Kasi otherwise may maapektuhan na akong tao, may maapektuhan na akong trabaho. And they don’t deserve na maapektuhan kung anuman ang pinagdaraanan ko.”

 

 

Sinagot din ni Juday ang sikreto niya na mapanatiling nakatapak ang mga paa niya sa lupa, “Yung gratefulness kasi Tito Boy malaking factor talaga sa akin ‘yun.

 

 

“‘Yung gratitude, mag-hi lang ako sa mga tao. Alam kong with a simple ‘Hi’ and a simple smile, naha-happy ako, kailangan ko siyang ibalik.”

 

 

“Paano ko name-maintain ‘yung pagiging grounded? Sadyang pinalaki kaming ganito.

 

 

“Laging sinasabi ng mommy ko noong nasa Canada pa siya, ‘Anak sa tinatahak mo ngayon, huwag mong kakalimutan na lahat ng taong nakakasama mo, sila rin ‘yung makakasalubong mo pabalik.

 

 

“‘So, huwag na huwag mong kalilimutan ‘yung pinanggalingan mo,’” say pa ni Judy Ann.

 

 

Para sa kabuuan ng interview, puwedeng balikan sa YouTube channel ng GMA Network.

 

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • DepEd, iginiit na ginamit ang P150M confidential funds nito para kumalap ng impormasyon

    IPINALIWANAG ng Department of Education (DepEd) kung paano nito ginastos ang P150 million confidential funds nito.     Ayon kay DepEd spokesperson at Undersecretary Micahel Poa, bahagi ng mandato ng DepEd na magbigay ng ligtas na kapaligiran para sa mga estudyante.     Aniya, ilan sa mga isyu na kinakaharap ng mga guro at mga […]

  • QCinema International Film Festival, Accepts Entries for Short Film Competition

    THE search is on for QCinema International Film Festival’s new batch of entries for its short film competition.     Each chosen film will receive a production grant worth P350,000 with ownership of film rights.     QCinema, which has been recently voted as the best local film festival in the country by local film reviewers and […]

  • Mga fans ni Bryant, inaalala ang 42nd kaarawan nito

    Nagsagawa ng pagpugay ang iba’t-ibang basketball fans sa pagdiriwang ng ika-42 kaarawan ng yumaong NBA star na si Kobe Bryant.   Binuksan ang mga mural na nagpupugay sa Los Angeles Lakers star na makikita sa ib’at-ibang bahagi ng mundo bukod pa sa bayan nito kung saan siya isinilang sa downtown Los Angeles, isa sa malapit […]