• February 10, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hindi totoong hiwalay na sa negosyanteng si Atong: SUNSHINE, ‘di materialistic kahit kayang ibigay ng karelasyon

WALANG katotohanan ang tsikang hiwalay na raw sina Sunshine Cruz at negosyanteng si Atong Ang.
May kung sino kasi ang nagkakalat ba very obvious naman ay galing sa kampo ng taong sa simula pa lang ay against sa relasyong Sunshine at Atong.
Ang hindi lang marahil matanggap ng mga detractors ni Sunshine ay ang malaking katotohanan na very much in love si Atong sa aktres.
At sa totoo lang lahat ng gusto ni Sunshine ay walang hindi sinusunod ng negosyante. Pero sa totoo lang din naman hindi siya abusada.
Kaya ito raw ang dahilan kung bakit lahat ng barkada ni Atong ay botong-boto raw sa aktres, dahil sa pagiging mabait at hindi materialistic.
Ayon pa sa nakausap naming close sa dalawa ay ipinasauli daw ni Sunshine ang isang mamahaling sasakyan na ipinadala sa kanya ni Atong.
Kahit ipinilit na raw sa kanya ay ipinabalik niya ito sa negosyante.
Hindi lang daw sasakyan kundi may isa pa ring sobrang napakamahal na bagay na hindi mabanggit banggit ng source namin dahil tiyak daw na malalaman  ni Sunshine na siya ang nagbalita sa amin.
Samantala, under negotiation na raw ang isang malaking proyektong pagbibidahan ni Sunshine.
***
ISA sa mga matatawag na Darling of the Press ang Primera Kontrabida na si Gladys Reyes.
Kahit na sa mga karamihan sa mga roles niya ay nang-aapi sa bida ay kabaligtaran naman yun sa totoong buhay.
Sa ipinatawag na lunch and get-together ng mag asawang Gladys at Christopher Roxas ay ikinatuwa ng mga personal inimbitahang entertainment press ang binanggit ni Gladys.
Sabi ni Gladys, hindi siya naniniwala sa sinasabi ng ilang kilalang celebrities na hindi kailangan ang mga entertainment press ngayon dahil kaya nilang i-promote ang kanilang sarili, basta malakas lang sa social media.
“Hindi po totoo yan,” diin pa ni Gladys
“Kailangan namin ng tulong niyo, kailangan pa rin ng suporta niyo, di ba? At ang dami niyong naitulong in the past.”
“Pagpapatunay lang na mula noon hanggang ngayon, kailangan natin ang ating movie press, media, kailangang-kailangan pa rin hanggang ngayon.” dagdag pa ng isa sa  mahal naming aktres.
Sa totoo lang naman sa tuwing may okasyon ang mag asawang Christopher at Gladys ay isa kami sa iniimbitahan nila.
Mula pa nung kasalan nila at hanggang sa tuwing nagse-celebrate ang mag-asawa ng kanilang wedding anniversary, ay hindi nakakalimot at tinitiyak ng aktres na makapag-treat sila sa mga kaibigang press.
Ipinagdiwang nilang mag-asawa ang kanilang 21st wedding anniversary noong January 23, pero 32 years of togetherness, sabi ni Gladys.
Hindi raw puwedeng palagpasin ang taon na hindi ma-treat ang mga kaibigang entertainment press dahil malaki raw ang utang na loob niya sa mga ito.
Kasama na rin siyempre ang pagpo-promote nila sa kanilang That’s Diner sa Sta. Lucia, Cainta, Rizal.
Si Christopher ang nag-aasikaso ng restaurant, lalo na sa mga pagkaing inihahanda sa kanilang diner.
“Chef Chris” na ang tawag kay Christopher dahil sa kanilang restaurant business na siya nagpo-focus.
Si Gladys naman ang bahala sa marketing.
Bukod sa Sta. Lucia, meron pa silang That’s Diner sa San Pedro, Laguna. Ipinatikim nila ang mga specialty nilang bulalo supreme, dinakdakan, bulalo kare-kare, fried lumpia, fried bangus na may laing o Bicol express, at ang flaming chicken.
Samantala, nabanggit ni Gladys na malapit na nilang simulan ang bagong drama series na gagawin niya sa GMA-7.
Ito iyung ‘Cruz vs. Cruz’ na makakasama niya si Vina Morales na first time pa lang daw niyang makatrabaho.
Pero kakaiba raw ang role niya rito, na bukod kay Vina, kasama rin niya rito sina Neil Ryan Sese, Kristoffer Martin, Liezel Lopez, Pancho Magno, at Elijah Alejo, sa ilalim ng direksyon ni Gil Tejada.
(JIMI C. ESCALA)
Other News
  • ‘No vax, no ride’ sa Metro Manila, tigil muna – DOTr

    SIMULA Pebrero 1, ay pansamantalang ititigil ng Department of Transportation (DOTr) ang pagpapatupad ng ‘no vaccination, no ride policy’ sa mga pampublikong transportasyon sa Metro Manila.     Kasunod na rin ito nang pagsasailalim na ng pamahalaan sa National Capital Region (NCR) sa Alert Level 2, simula Pebrero 1 hanggang 15.     Nangangahulugan ito […]

  • Bucks tinapos ang ratsada ng Grizzlies

    NAGSALANSAN si Giannis Antetokounmpo ng 33 points, 15 rebounds at 7 assists para ihatid ang nagdedepensang Bucks sa 126-114 paggupo sa Memphis Grizzlies.     Tinapos ng Milwaukee (31-16) ang kanilang dalawang sunod na kabiguan para upuan ang No. 4 spot sa Eastern Conference at winakasan ang six-game road winning streak ng Memphis (31-16) na […]

  • DPWH, DOH hinimok na simulan na ang paghahanda para sa quarantine facilities sa mga rehiyon

    Hinimok ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez ang DPWH at DOH na ihanda ang mga plano para sa pagtayo ng quarantine facilities sa lahat ng rehiyon sa bansa.   Nagpahayag ng kanyang suporta si Rodriguez sa panukalang inihain ni Deputy Speaker LRay Villafuerte para sa establishment ng quarantine facilities sa iba’t ibang rehiyon sa […]