• September 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hinihintay naman kung kailan mabubuntis si Maine: RIA, isinilang na ang baby boy nila ni ZANJOE

KINUKUHA na raw ng kanyang namayapang ina ang cardiologist at tinaguriang Doktor ng Bayan na si Dr. Willie Ong na nakikipaglaban ngayon stage 4 sa sarcoma o abdominal cancer.

 

 

Pero ayon pa kay Doc Willie na kung talagang oras na para siya’y magpaalam ay maluwag niyang tatanggapin.

 

Ito ang ibinahagi ni Dr. Willie sa interview sa kanya sa kanya ni Ms. Jessica Soho sa programa nitong “Kapuso Mo, Jessica Soho” .

 

Naikuwento ng dating vice presidential candidate na ang nakita niyang “vision” ng namayapang ina ay parang totoong-totoo.

 

Well, need ni Doc Willie ng prayers nating lahat.

 

***

 

NANGANAK na ang Kapamilyang aktres na si Ria Atayde kahapon.

 

Pero wala pa siyang post. Ang mister lang niyang si Zanjoe Marrudo ang nag-post (IG story) ng baby na nasa baby bassinet crib at may petsa na 9.23.24. May background music ito na ‘Three Little Birds’ ni Bob Marley.

 

Baby boy ang first baby ng celebrity couple na nagkaroon ng gender reveal an apo ng mag-asawang Sylvia Sanchez at Art Atayde kamakailan.

 

Ngayong meron ng apo ang mag-asawang Sylvia at Sir Art mula kina Zanjoe at Ria.

 

Ang inaabangan naman ay kung kelan naman ang kina Arjo at Maine, huh!

 

Parehong bisi ang dalawa ngayon, si Maine sa kanyang everyday stints sa programang “Eat Bulaga” at bukod sa isang aktor ay naglilingkod din bilang Congressman si Arjo Atayde sa District 1 ng Quezon City.

 

Tutok din si Arjo sa kanyang food business na ‘Inasal Republic’ na mayroon ng ilang mga sangay ngayon.

 

“I do business at night after everything. I have to work du­ring the day. I really want to grow into it, learn more about it, explore and travel, and understand Filipino infusion.

 

“I’m starting here at Inasal Republic and as to why I entered the inasal industry. It’s not a big industry but because of course I trust the product. I won’t jump into something if I don’t trust it, just like everybody else,” banggit pa ni Arjo.

 

Malaki ang pasasalamat ng aktor, negosyante at politiko sa asawang si Maine dahil sa suportang ibinibigay nito sa kanilang bagong negosyo.

 

 

 

(JIMI C. ESCALA)

Other News
  • Ads October 19, 2022

  • Super Mario Bros. Movie Posters Show New Looks For Nintendo Characters

    ILLUMINATION unveils more Super Mario Bros. Movie posters showing off the new looks for the beloved Nintendo characters for the animated adventure   Hot off the premiere of a new trailer for the animated movie, a new set of The Super Mario Bros. Movie posters have been released to showcase the colorful cast of Nintendo characters. The […]

  • DOTr, CAAP walang obligasyon na i-compensate mga pasahero sa NAIA shutdown – Sec. Bautista

    NILINAW ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista na walang contractual obligation ang DOTr at ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na bigyan ng kumpensasyon o refund ang mga pasaherong apektado ng ilang oras na shutdown sa Philippine airspace na dulot ng aberya sa suplay ng kuryente noong Bagong Taon.     […]