Hintayin ang desisyon ng gobyerno kung holiday o hindi ang 3-day vaccination drive
- Published on November 13, 2021
- by @peoplesbalita
NAKIUSAP ang Malakanyang sa publiko na hintayin ang magiging desisyon ng gobyerno kung idedeklarang holiday o hindi ang 3-day COVID-19 vaccination drive bago matapos ang buwan ng Nobyembre.
Target kasi ng pamahalaan na bakunahan ang 15 milyong Filipino sa panahon ng Nobyembre 29 hanggang Dec. 1 o 3-day COVID-19 vaccination campaign.
At sa tanong kung ang mga petsang ito ay holidays, sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na, “Inaasikaso po kung anong magiging desisyon ng Office of the President tungkol d’yan.”
“Hintayin na lang po natin ang anunsyo galing sa Palasyo,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.
Tinukoy ni Sec. Roque na Bonifacio Day sa Nobyembre 30 na isang regular holiday. (Daris Jose)
-
CLAUDINE, ipinagtatanggol pa rin si JULIA kahit masama ang loob
SA virtual presscon ng Deception, ang comeback movie ni Optimum Star Claudine Barretto, hindi naiwasang tanungin ang aktres sa ‘paglamlam ng career’ ng kanyang pamangkin na si Julia Barreto. Kahit na masama pa rin ang loob niya kay Julia dahil mga nangyari sa kanilang pamilya, nakuha pa rin niya itong ipagtanggol. […]
-
Gonzales sinagot patutsada ni Bato sa ICC probe ng Kamara
IGINAGALANG umano ni House Deputy Speaker at Pampanga Rep. Aurelio Gonzales Jr. ang pahayag ni Sen. Ronald dela Rosa subalit dapat din umano nitong igalang ang ginagawang pagganap ng kamara sa mandatong ito. “As the senator very well knows, the House of Representatives is mandated to act on resolutions filed by its members […]
-
Holmqvist apelyido ng ina gagamitin sa jersey
MAGPAPALIT ng surname si incoming Philippine Basketball Association (PBA) rookie Ken Holmqvist ng Barangay Ginebra San Miguel na ikakabit sa playing uniform niya sa mga game sa professional cage league. Pinabatid na niya ang hakbang kay PBA Commissioner Wilfrido ‘Willie’ Marcial, ayon kay BGSM coach Earl Timothy ‘Tim’ Cone nitong isang araw lang. […]