• January 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hinuhulaan pa rin kung kailan ang kasal: ARJO at MAINE, nanggulat sa pasabog na photoshoot para sa cover ng magazine

ANG bongga ng photoshoot ng magkasintahan na Maine Mendoza at Cong. Arjo Atayde na suot formal wear para sa Mega magazine.
Nakasuot ang aktres at ang representative ng Kyusi ng traditional wear para sa isang magazine cover para buwan ng Hunyo na kinunan ng photographer na si Mark Nicdao sa Palacio de Memoria, Parañaque City.
Si Maine ay nakasuot ng berdeng Pina Filipiniana na may burda, na likha ni Dennis Lustico. Samantala, nakasuot si Arjo ng cream na suit.
“A safe space doesn’t always have to be a certain location. Instead, it can also be in the form of a person who protects you, provides for you, and supports your dreams and aspirations. And for #MaineMendoza, it’s none other than #ArjoAtayde,” ayon sa Instagram caption ng magazine.
Ang kanilang cover story na nakalagay ang mga kataga “Arjo’s Maine event: Perfectly fitted for ever after” ay nagsasalaysay ng kanilang hindi inaasahan ngunit magandang kuwento ng pag-ibig at naglalabas ng mga detalye tungkol sa kanilang pagsasama ngayong nagbabalak na silang magpakasal.
Kinumpirma nina Maine at Arjo ang kanilang relasyon noong 2019. Inanunsyo nila ang kanilang engagement noong Hulyo 2022.
May lumabas na balita na baka raw next month na ang kanilang kasal.  Pero manggugulat na lang ang ArMaine kung kailan nga ba ang pag-iisang dibdib nila sa taong ito.
(ROHN ROMULO)
Other News
  • PAGTUGON SA SAKUNA AT EMERGENCY, PINALAKAS NG VALENZUELA

    LALO pang pinahusay ng Lungsod ng Valenzuela ang kanilang mga kakayahan sa pagtugon sa sakuna at emergency response capabilities sa lungsod sa pamamagitan ng pinakabagong digital innovation nito na V-Alert Button.       Ang makabagong mobile application na ito ay nagsisilbing lifeline sa mga oras ng krisis, na nagbibigay ng access sa isang komprehensibong […]

  • Mayor Guo sinalag ‘conspiracy’ sa POGO

    NANINDIGAN si Bamban Tarlac Mayor Alice Guo na wala itong koneksyon sa anumang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) operations sa bansa kaya maling tawagin itong “conspirator” nang walang matibay na ebidensya.     Ang pahayag ay ginawa ni Mayor Guo bilang reaksyon sa kasong Anti-Trafficking in Persons na isinampa laban sa kanya sa Department of […]

  • MC Taxi expansion, tigil na – LTFRB

    ITINIGIL na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang Motorcycle Taxi expansion o ang pagpaparami pa ng bilang ng mga Motorcycle taxi na magsasakay ng mga pasahero.     Sinabi ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz, head ng Technical Working Group para sa pilot study ng MC Taxi service sa bansa, magsusumite na ang […]