• March 28, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hirit na pagbuwag sa IATF, hindi maituturing na constructive criticism -Malakanyang

POLITIKA ang nangingibabaw na motibo para sa panawagang buwagin ang Inter-Agency Task Force (IATF).

 

Hindi kasi makita ng Malakanyang na isang constructive criticism ang panawagang buwagin ang IATF.

 

Kumbinsido si Presidential Spokesperson Harry Roque na pamumulitika ito lalo pa’t ang mga nananawagan at patuloy na pumupuna sa Task Force ay may kani- kanya umanong agenda.

 

“Wala pong mabubuwag because kapag binuwag mo ang IATF, it is as if you are, bubuwagin mo iyong buong gobyerno kasi wala naman pong ibang buhay ang IATF kung hindi iyong gobyerno mismo,” ayon kay Sec. Roque.

 

“Now, kung mayroon naman silang constructive criticism, ano ba iyong mga constructive criticism nila? We don’t think the abolition of IATF is constructive kasi ang IATF ay pinagsama-sama lang pong talino at galing ng buong gobyerno. At pagdating naman po sa burukrasya natin, eh hindi naman po mga pulitiko iyang nasa DOH, nasa NEDA, nasa DOF – lahat po iyan ay mga civil service passers, the best talents that we have. So hindi po iyan constructive criticism. But if they have constructive criticisms, we welcome them. Kaya lang sa kaso naman ni Vice President, every time she has constructive criticism, iyong kaniyang criticism ay nai-implement na ng IATF bago pa niya sabihin,” dagdag na pahayag nito.

 

Sinabi ni Sec. Roque na isa na rito ay isang nag- aambisyong maging Health Secretary na hindi aniya titigil sabihing palpak ang IATF hangga’t hindi siya maging Secretary of Health.

 

” Dagdagan ko lang ha, iyong isang pumupula sa IATF, eh di ba gusto ngang mag-Secretary of Health so hindi iyon titigil na talagang palpak ang IATF hangga’t hindi siya maging Secretary of Health, that’s the nature,” ayon kay Sec. Roque.

 

Habang dalawa naman ay politiko na naturalmente na maghahanap ng butas lalot eleksiyon na sa susunod na taon.

 

“Oh, isa naman pulitiko, dalawang pulitiko, natural eleksiyon na! Lalo na iyong isang pulitiko, talunan iyong kaniyang partido so pagkakataon niya itong butasan ang gobyerno,” aniya pa rin.

 

Giit ni Sec. Roque na welcome naman sa kanila kung ang isang puna ay constructive dangan lang at hindi talaga ito naglalayong makatulong lalo na kapag galing kay VP Leni Robredo gayung ang kritisismo nitoy ipinatutupad na bago pa ito magpakawala ng puna sa pamahalaan.

 

“Pero iyon nga po, uulitin ko, hindi naman po isang taon na ganito karami ang kaso natin; itong buwan lang ng Marso tumaas iyan. Na-manage po natin iyan, napababa po natin iyan at nabuksan natin ang ekonomiya na comparative to the rest of the world, we have done very well po at hanggang ngayon po, dahil nga itong na-experience natin na spike ay hindi lang sa Pilipinas, nananatili po tayo na number 30 worldwide in terms of total cases,” lahad nito. (Daris Jose)

Other News
  • Pinas, nakapagtala ng $655M deals sa China Intl Import Expo

    NAGTAPOS ang partisipasyon ng Pilipinas sa 5th China International Import Expo (CIIE) sa  “high note” na may  total sales and deals na nagsara sa record na $655.15 million. Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na napagtagumpayan ng bansa ang target na nalampasan ang  nakaraang taon na CIIE sales na $597 million, o 9.74%. “The […]

  • House-to-house vaccinations ‘di pa rin nakakadagdag sa bilang ng mga nabakunahan – DOH

    Patuloy na nahihirapan ang gobyerno sa pagbabakuna ng mas maraming indibidwal para sa COVID-19 kahit na bahay-bahay na ang kampanya. Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Myrna Cabotaje, bagama’t naging matagumpay ang departamento sa mga lugar na may mataas na bilang ng mga naturukan, kailangan pa rin nitong gumamit ng higit pang mga estratehiya […]

  • P100 milyong ayuda ng Metro Manila mayors sa nasalanta ni ‘Odette’

    Mula sa konseptong “We Vax as One”, nagkasundo ang Metro mayors na hindi lang sa pagbabakuna sa labas ng kanilang nasasakupan, niyakap na rin ang pagtulong sa iba pang local government units (LGUs) na naapektuhan ng bagyong Odette.      Sa pamamagitan ng ipinasang resolusyon ng Metro Manila Council (MMC), nagkaisa ang mga alkalde na […]