Hirit ng mga transport group na dagdag pasahe, posibleng madesisyunan – LTFRB
- Published on June 18, 2022
- by @peoplesbalita
SIGURADO umanong bago ang Hunyo 30 ay makakapagpalabas na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng desisyon kaugnay ng hirit ng ilang transport group na dagdag pasahe.
Sinabi ni LTFRB executive Dir. Maria Kristina Cassion, sisikapin daw ng board na makapagpalabas ng desisyon hanggang sa katapusan ng buwan.
May kahilingan din umano ang mga jeepney operators na maging P2.50 ang kada kilometro.
Una rito, sinabi ni Cassion na pinag-aaralan na ng ng LTFRB ang hirit ng ilang transport group na dagdagan ng P5.00 ang minimum na pasahe sa mga public utility vehicle (PUV) sa bansa.
Isasagawa naman daw ang pagdinig sa petisyon sa Hunyo 28.
Aniya, hinihimay nila nang husto ang nilalaman ng petisyon sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Sa petisyon aniya ng 1UTAK, Pasang Masda, Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Phillippines (ALTODAP) at Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO), nais nilang gawing P14 ang minimum na pasahe mula sa dating P9.00 dahil wala na umano silang kinikita.
Idinahilan din ng mga transport group ang madalang na pasahero na ang karamihan ay sinamantala ang “Libreng Sakay” program ng gobyerno.
Matatandaang inaprubahan ng LTFRB ang P1.00 dagdag-pasahe sa mga PUV sa Metro Manila, Region 3 at Region 4. (Daris Jose)
-
Awards night, Nov. 26 na sa Aliw Theater: POPS, magbibigay ningning sa ‘6th The Eddys’ kasama sina ERIK at DARREN
TATLONG sikat at premyadong celebrities mula sa iba’t ibang henerasyon ang magbibigay-kulay at ningning sa magaganap na 6th The EDDYS o Entertainment Editors’ Choice ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa darating na November 26, Linggo, sa Aliw Theater, CCP Complex, Pasay City. Kaabang-abang ang mga inihandang production numbers ng original Concert […]
-
Holmqvist apelyido ng ina gagamitin sa jersey
MAGPAPALIT ng surname si incoming Philippine Basketball Association (PBA) rookie Ken Holmqvist ng Barangay Ginebra San Miguel na ikakabit sa playing uniform niya sa mga game sa professional cage league. Pinabatid na niya ang hakbang kay PBA Commissioner Wilfrido ‘Willie’ Marcial, ayon kay BGSM coach Earl Timothy ‘Tim’ Cone nitong isang araw lang. […]
-
Pacquiao bumanat kay Cusi
Sa halip na pulitika, dapat atupagin muna ni Energy Secretary Alfonso Cusi ang problema sa nararanasang brownout sa bansa. Sa privilege speech ni Sen. Manny Pacquiao, tinuligsa niya si Cusi dahil sa isang hearing ay nangako ang kalihim sa mga senador na hindi mangyayari ang brownout ngayong tag-init subalit ito na umano ang […]