• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

HOLDAPAN SA CHINA BANK CASE SOLVED NA

MAITUTURING nang “case solve” na ang naganap na holdapan sa loob ng isang sangay ng ChinaBank sa Paco, Maynila kamakailan ayon sa pulisya.

 

Ipinrisinta  nina MPD Director Brig.General Leo Francisco ang suspek na sina Larry Carel, 32, truck driver, residente ng Phase 2 Pkg.3 Blk 70 Lot 23 Bagong Silang  at Ryan Sale,28, ng 28 Palanza St., Brgy.Doña Imelda , Quezon City.

 

Ayon sa pulisya, nahuli ang dalawa sa follow up operations ng MPD alas-2:30 ng hapon noong Setyemb 27,2021 sa Caltex Gasoline Station sa Angelina Cananay Avenue, Parañaque City.

 

Ayon kay Francisco, natunton ang mga suspek sa pamamagitan ng isinagawang backtracking ng mga CCTV kung saan nakita ang van ng Transportify Mitsubishi L300 van na pag-aari ng Belgrado Trucking na may plakang NCW 2751.

 

Ang dalawa ay nahuli sa follow up operations ng MPD alas-2:30 ng hapon noong Setyemb 27,2021 sa Caltex Gasoline Station sa Angelina Cananay Avenue, Parañaque City.

 

Natunton ang mga suspek sa pamamagitan ng CCTV kung saan nakita ang van ng Transportify Mitsubishi L300 van na pag-aari ng Belgrado Trucking na may plakang NCW 2751.

 

Ang nasabing van ay nakaparada  sa Paz Guazon kanto ng Mendiola Sts. Manila ilang oras bago ang panghoholdap sa bangko.

 

Matapos ang panghoholdap ay kaswal lang na naglakad ang pangunahing suspek at sumakay sa motorsiklo  saka nagtungo sa kinaroroonan ng van.

 

Pagsapit sa lugar ipinasok ang nakulimbat na pera na nagkakahalaga ng P690,000 at ang motorsiklo ay isinakay din sa loob ng van.

 

Mariin namang itinanggi ng mga  suspek ang insidente at sinasabing wala silang kinalaman sa panghoholdap

 

Sa ngayon patuloy pang hinahanap ng pulisya ang pangunahing suspek na nagpanggap na mag-oopen ng bank account bago nagdeklara ng holdap.

 

Ayon kay MPD Spokesperson Capt.Philipp Ines, tukoy na rin ang pagkakilanlan nito ngunit hindi pa maaring banggitin ang kanyang pangalan dahil sa patuloy follow up operation. GENE ADSUARA

Other News
  • “BLACK ADAM” INTRODUCES THE JUSTICE SOCIETY OF AMERICA TO THE BIG SCREEN

    Hawkman, Doctor Fate, Atom Smasher, Cyclone — introducing the members of the Justice Society of America. See them in action in Warner Bros.’ epic superhero adventure “Black Adam,” smashing in cinemas and IMAX across the Philippines starting October 19.       Check out the featurette “Introducing the JSA” below:     YouTube: https://youtu.be/TjhoHrYX4NY     From […]

  • Dagdag isolation facilities bubuksan na rin sa mga PROs sa NCR Plus – PNP

    PROBLEMA ngayon ang isolation at quarantine facilities sa mga kampo ng Philippine National Police (PNP) dahil sa patuloy na paglobo ng kaso ng Covid-19 sa bansa.     Kaya ipinag-utos na ni PNP Chief Gen. Dionardo Carlos na magdagdag ng mga isolation facilities hindi lamang sa Camp Crame kundi maging sa mga Police Regional Offices […]

  • WHO official: ‘Hindi lockdown ang pangunahing responde sa COVID-19’

    MISMONG special envoy ng World Health Organization (WHO) para sa COVID-19 ang nagsabi: hindi suportado ng organisasyon ang mga lockdown bilang hakbang sa pagkontrol ng coronavirus.   Sa isang panayam, sinabi ni Dr. David Nabarro na ang masyadong pag-depende ng mga bansa sa lockdown ay posibleng magbunga ng hindi magandang epekto sa global economy.   […]