• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Holder ng 5, 10 years-valid na driver’s license kailangang sumailalim pa rin sa periodic medical exams – LTO

Kailangan pa rin sumailalim sa periodic medical exams ng mga holders ng driver’s license na mayroong lima o 10 taon na validity, ayon kay Land Transportation Office chief Assistant Secretary Edgar Galvante.

 

 

Paraan na rin aniya ito upang sa gayon ay matiyak na fit to drive pa rin ang mga motorista makalipas ang ilang taon nang makuha nila ang kanilang driver’s license.

 

 

Kung ang hawak na lisensya ng isang motorista ay valid sa loob ng limang taon, ang best schedule aniya para sa medical exam ay tatlong taon matapos na makakuha ng lisensya.

 

 

Para naman sa 10 taon ang validity ng driver’s license, maariing gawin aniya ang medical exam sa 3rd, 5th, at 7th year.

 

 

Iginiit ni Galvante na ang pamamaraan na ito ay para na rin sa kaligtasan hindi lamang ng mga motorista kundi maging ang kanilang mga sakay na pasahero.

 

 

Nauna nang inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na lahat ng opisina ng LTO sa buong bansa ay magsisimula nang magbigay ng lisensya na valid sa loob ng 10 taon simula sa Disyembre. (Gene Adsuara)

Other News
  • CHANNING TATUM BURNS UP THE STAGE IN “MAGIC MIKE’S LAST DANCE”

    CHANNING Tatum reprises his iconic role as stripper Mike Lane in Warner Bros. Pictures’ new musical comedy “Magic Mike’s Last Dance.”       [Watch the film’s trailer at https://youtu.be/MRVXQeGjCMs]     In the film, “Magic” Mike Lane (Tatum) takes to the stage again after a lengthy hiatus, following a business deal that went bust, leaving him […]

  • MAY KAPANGYARIHAN BA ang mga LGU na MANGUMPISKA ng DRIVER’s LICENSE?

    Wala.     Ayon sa DILG ay tanging LTO lang at ang mga deputized enforcers ng Ahensya ang may kapangyarihan na mag confiscate ng driver’s license.     Pero ayon sa Abogado ng Manila ay tuloy pa rin ang pagkukumpiska ng kanilang mga enforcers dahil sa ilalim ng Local Government Code ay may kapangyarihan ang […]

  • Panukalang magbabawal sa ‘no permit, no exam’ policy sa private schools, aprubado na sa Kamara

    INAPRUBAHAN ng Kamara nitong Lunes ang panukalang magpapataw ng administrative sanctions laban sa mga private elementary at high school educational institutions na hahadlang sa mga estudyante na kumuha ng nakatakdang periodic examinations dahil hindi nakabayad ng kanilang financial obligations.     Umaasa si Speaker Ferdinand Martin Romualdez  na sa pagkaka-apruba ng panukala ay makakatulong sa […]