• September 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Holmqvist at Enriquez patatalimin ng Ginebra

MAAARING wala sa hinagap ng mga kalaban ang unang dalawang biningwit ng Barangay Ginebra San Miguel sa virtual 36th Philippine Basketball Association Draft 2021 nitong Marso 14 sa TV5 studio sa Mandaluyong.

 

 

Kinalabit ng Gin Kings sa paggamit ng 12th pick sa first round ang si 6-foot-8 center na Ken Holmqvist. Isinunod pagkaraan para sa No. 1 selection ng second round o 13th overall choice si Brian Enriquez.

 

 

Nakakampanya para sa Far Eastern University Tamaraws  ang Fil-Norwegian na si Holmqvist, pandagdag na size ng Gin Kings sa gitna pamalit sa bagong dating na si Christian Standhardinger. May disenteng perimeter shooting ang 25-anyos na sentro.

 

 

Pero ayaw pa niyang malaki ang asahan kaagad sa kanya ng alak. Mas gusto niyang hasain pa ang kanyang laro ngayong napunta sa crowd favorite squad.

 

 

“I’m gonna work on my game everyday,” bulalas niya via Zoom.

 

 

Hindi rin matunog ang 6-3 Fil-Am guard na si Enriquez, pero maayos ang kredensiyal bilang produkto ng United States National Collegiate Athletic Association Division II school William Woods University sa Missouri.

 

 

Nakapasa aniya aniya na ang pinakasikat na koponan pa sa propesyonal na liga ang kumuha sa kanyang serbisyo.

 

 

“I wanna thank coach (Earl Timothy) Tim Cone and the Ginebra family for taking a chance on me. I’m just really grateful and blessed,” lahad ni Enriquez, 25, sa Zoom din. “I’m just really looking forward to learning the culture of basketball here.”

 

 

Sa April 11 pa magbukas ang 46th PBA 2021 Philippine Cup. (REC)

Other News
  • PDu30, nais na bilisan ang rehab efforts sa Marawi City

    NAIS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na bilisan ang rehabilitation efforts sa Marawi City.   Tinatayang may tatlong taon na kasi ang nakalilipas mula ng makalaya ito mula sa local terror group.   “Let’s just say we are satisfied but the President, of course, would appreciate it if it can be hastened,” ayon kay presidential […]

  • Alex Eala, pinuri ng Malakanyang sa makasaysayang 2022 U.S. Open Junior girls’ singles tennis

    PINURI ng Malakanyang ang  Pinay na si Alex Eala na nagwagi sa US Open girls’ singles competition  laban kay Lucie Havlickova ng Czech Republic.     Lumikha kasi si Eala ng makasaysayang pagkapanalo at tinanghal  bilang kauna-unahang Pilipino na nanalo ng Grand Slam singles title sa tennis sa nasabing kumpetisyon.     Sinabi ni Press […]

  • PBBM, magkakaroon ng 12 o higit pang bilateral talks sa sidelines ng COP28 — DFA

    TINATAYANG aabot sa 12 o higit pa ang  bilateral meetings ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa sidelines ng  Conference of the Parties o COP28 sa Dubai, United Arab Emirates.     Gayunman, sa press briefing sa Malakanyang, nilinaw ni  Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Maria Teresa Almojuela na ang nasabing  bilateral meetings ay […]